Reese Jayana “Tomboy” Abad Napa-upo ako sa isang sulok. Nakataas ang kamay senyales ng pagsuko sa lalaking may hawak ng patalim. Isang maling hakbang o galaw ko lang ay mapapahamak si Kuya. Kahit kaya ko siyang labanan, ayokong i-risk ang buhay ng kapatid ko. “Ano ba ang kailangan mo kay Sir Ram?” kaswal na tanong ko. Gusto ko mapanatag din siya na hindi ako gagawa ng ano mang bagay na maaari niyang ikagalit. “Mabait na tao ang gusto mong patayin. Ano ba ang nagawa ng lolo niya na kasalan para pumatay?” “Ama niya ang may kasalanan sa akin. Ang walang hiya at ang animal niyang ama ang sumira ng buhay ng aming pamilya!” galit na sagot. “Napaka demonyo ng ama ng lalaking ito. Pati ang magulang at anak ko ay walang awa niyang pinapatay.” “Bakit siya ang pinaghihigantihan mo? Hindi ba dapa

