Kendric Aziel Suazer Maliwanag na sa aming kaisipan kung ano ang dahilan ng lahat ng mga nangyayari. Pagkatapos sabihin lahat ng ama ni Jayana ang sikreto ng matandang iyon, hindi na mapakali si Ram na maitakas ang kanilang ina. Bilang kaibigan at asawa, kailangan kong gumawa ng hakbang. Sooner or later siguradong malalaman na ni Zaldy na alam na ni Ram ang lahat. Ang worst kapag nalaman na buhay si Jayana at ang ama niya, malalagay sa panganib ang mag-ama. “Sasama ako!” pag pupumilit ni Ram. “Hindi ko kayang maghintay lang dito.” Kumuyom ang kanyang kamay. “Ang hayop na ‘yun! Hindi ko kailanman mapapatawad dahil sa kanyang ginawa. Hinding-hindi ko hahayaan na abusuhin niya muli si Mommy. Kung magkakaroon ako ng pagkakataon, tama ang ama ni Jayana. Ako na mismo ang papatay sa kanya!” “B

