Kendric Aziel Suazer Nakita ko ang aking asawa na aligagang tumatakbo at namumutla palabas ng bahay. Hindi na nga niya ako napansin ng tawagin ko ang kanyang pangalan dahil sa pagmamadali. “Love!” malakas kong tawag sa kanya. Napalingon naman at mabilis na lumakad pabalik sa akin. Nagsimula na rin dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata ng mahawakan ko ang kanyang bisig. “Si Kuya!” sambit niya. Sinabi lahat sa akin ni Jayana ang nangyari habang papunta sa hospital. Nagpang-abot na ang mag-ama. Umiiyak at sobra ang pag-aalala para kay Ram. Alam ko kung gaano siya naapektuhan kapag pamilya na ang usapan. Emosyonal pagdating sa mga taong mahal at malapit sa kanya. Nakita namin si Abby na nasa sulok ng kwarto habang si Ram ay ina-assist pa rin ng doktor at nars. Napansin kong walang imik

