Jayana Reese “Tomboy” Abad Mainit na yakap mula sa taong ilan taong kong pinangarap na mahagkan. Gulat, pagkabigla at hindi ako makapaniwala na sa unang pagkakataon mararamdaman ko ang isang yakap ng ina. Yakap na noon ko pa pinapangarap na makuha. “I’m longing for this kind of affection.” Sa unang pagkakataon ay umiyak ako na parang bata. Iyak hindi dahil sa pighati o lungkot kundi dahil sa saya na dulot ng pagpaparamdam ni Mommy ng pagmamahal. “It’s been months when I saw her personally. Iba kasi ang pakiramdam ng mismong nakikita mo kasya sa video call.” “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Mommy. May pagtataka sa kanyang mukha. Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. “Tahan na!” pag-alo sa akin. “Sorry if I make you cry. Hindi ko sinasadyang masaktan ka.” dugtong niya. Hi

