Jayana Reese “Tomboy” Abad Lango sa alak si Abby ng puntahan ko sa mismong bar. Kahit nakahiga na ang ulo sa lamesa ay tuloy pa rin ang tungga ng alak. Tumatapon na iyon sa kanyang katawan pero wala siyang pakialam. “Anong nangyari?” Tanong sa aking isip. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong estado. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang baso na may alak na hawak niya. Umangat ang kanyang tingin pero walang sagot kundi ngiti. “Isang nakakabaliw na ngiti.” Umupo ako sa kanyang tabi. “Ano bang problema mo? Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ko. Gusto ko sana kausapin ng mahinahon pero sa inis ko ay pagalit ang tono ng boses ko. “Tigilan mo na ang pag-inom! Lasing na lasing ka na, Abby!” usal ko at nilalayo ang baso ng alak na inaagaw niya. Wala akong matinong sagot na makuha sa kanya. “N

