Kendric Aziel Suazer Ilang buwan namin trinabaho ang mga kakailanganin namin para harapin si Zaldy. Sapat na ang mga ebidensya na nakuha namin mula sa ospital at ang statement mismo ni Mommy Martina. Dagdag pa ang salaysay ni Tatay tungkol sa mga dinanas niyang paghihirap sa kamay ni Zaldy. Lahat ng mga kailangan ay nakalatag na sa aming harapan. “What you see is what to believe!” Kahit ang hirap paniwalaan, ang katotohanan ay lalabas sa tamang oras. Walang sikreto ang kailanman ay matatago. “What to do next?” usal ko kay Ram na kaharap ngayon. “We have all the proofs, go signal mo na lang ang hinihintay ni Tyler.” Nakakuyom ang palad sa mga papeles na hawak-hawak niya. Ang lebel ng galit niya ay hindi masusukat ayon sa pagkakakilala namin sa kanya. Ang Ram na noon na madaling paliwan

