Chapter 64 PINAHID ni Leigh ang mga luha pero hindi iyon nakaligtas kay Jillian. Nag-aayos sila ng gamit para bumaba na sa eroplano. Nakabalik na sila ng Maynila, galing Mactan. Wala siya sa sarili. Hindi mawaglit sa isip niya ang nakita, ang multo ni Zaira. Pilit niyang iniisip kung iyon ba ay multo o totoong tao. Mukhang hindi iyon multo. May sukbit iyong bag pero dala ng takot niya ay mabilis siyang umalis ng ladies' room, without looking back. "Jill," aniya sa kaibigan, "di ko alam kung dahil sa kakatingin ko ng mga litrato kanina pero si ate Zaira…nakita ko." "Diyos ko naman, ff. Nasobrahan ka siguro sa honeymoon, naalog na ang brain cells mo. Paanong nakita mo ay patay na yun?" Tanong nitong nagpatuloy sa pag-zipper ng luggage. Kinuha nito ang luggage niya. Hindi siya makaimik.