Chapter 65 WALANG marinig na sagot si Leigh mula sa Mama niya, matapos niyang sabihin ang tungkol sa nakita niyang buhay na Zaira Greco. Malamang ay hindi rin nito alam ang isasagot sa kanya. "Out of line ako, anak," ani Adela. Kamuntik na matawa si Leigh sa term na ginamit ng Mama niya. Speechless iyon sa madaling salita. Nakita niya ang maluha-luha nitong mga mata habang nakatitig sa kanya tapos ay bigla na lang itong naiyak. "Ma," napapalabi na sabi niya rito pero pinahid nito agad ang mga luha. "Oki lang anak, oki. Laban lang. Kapag hindi na kayang ilaban at wala ng ipaglalaban, dito ka na ulit kay Mama." Tuluyan siyang naiyak at agad na tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit siya sa Mama niyang nakaupo sa harap ng mesa sa kusina, nagtatanggal ng mga dahon ng malunggay. She embraced