Chapter 82 WALANG imik si Clive sa loob ng sasakyan. Nakatulala siya at nag-iisip. Sana naman ay bumilis ang usad ng kaso para mapawalang sala siya. Makukulong na nga siya, si Leigh pa rin ang nasa isip niya, ang mag-ina niya. Ganun naman talaga. "Huwag kang mag-alala, safe si Leigh sa bahay mo," ani Macky sa kanya He nodded. That's the reason why he's keeping her there with her mother. "Binalikan ko pala si Giovanni Ricci. Mukhang wala naman talagang alam ang piloto na yun. He admitted na may atraso ka sa kanya pero nung binasted na siya nang tuluyan ni Leigh sa Macau, hindi na raw siya lumapit pa sa kapatid ko. Inamin din niya na iba ang interes niya kay bunso pero wala na raw siyang issue o ano pa man. Ang Tito HJ mo raw ang nag-asikaso ng mga nawala niyang lisensya dahil sa ginawa