Chapter 77 THE phone was ringing and Leigh looked at it. Hindi pa siya dinadalaw ng antok. Uminom siya ng paracetamol para sa kanyang masakit na ulo, matapos niyang kumain kanina. Numero iyon ni Margaret kaya agad niyang dinampot. Once in a bluemoon lamang sila kung mag-usap sa smartphone ni Margaret pero sa mga oras na iyon ay napamadali siya para kumustahin ang kapatid. Naupo siya sa sofa, iyong tanaw ni Clive. Si Clive na nahihimbing dahil sa kalasingan. "Hello, ate," aniya sa kapatid, "kumusta ka?" "I'm here in my condo. I'm still traumatized about what happened. I feel like that Alakdan man is still chasing me." Umiyak ito sa kabilang linya kaya naawa siya rito, "Lumayas ka na ba sa poder ni Clive?" Hindi siya agad nakasagot pero sa isip niya ay umiiling siya. "Hindi pa, ate."