Chapter 76 - Buksan ang isip

1322 Words

Chapter 76 BUMABA si Leigh nang hindi na magmulat si Clive ng mga mata. Bigla ay tila nalito siya. Adrenaline rush malamang ang nangyari sa kanya kanina, na biglaang sumbong ng kuya niya ng mga salitang galing sa ate niya ay sumabog siya. Si Alakdan. Hindi niya naisip na baka mamaya ay dinadawit lang naman nun ang pangalan ni Clive para sirain. Clive is a billionaire. Maaaring totoo ang sinabi ng ate niya pero si Alakdan, ewan niya lang. Naiinis siyang napapiksi. Napakatanga niya. Kung ano-anong mga sinabi niyang salita dahil selos na selos siya kay Zaira at nalaman niya ang plano ni Clive sa kanya, na hindi niya alam kung nag-e-exist pa rin ngayon. Nauna na ang pride niyang umalsa. "Huy," anang Mama niya na nakaupo na pala, hindi man lang niya napansin dahil lumilipad ang utak niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD