Chapter 20 She smiled when she noticed Clive's men outside. Nakabantay ang mga iyon sa labas. Kung hindi iyon nagbabantay, bakit naman iniwan? Feeling secured siya na sobra dahil sa mga iyon. Kahit na pala sanay na siya na parating mag-isa, iba pa rin kapag may nagbabantay sa kanya. Nakangiti siyang umakyat sa kanyang kwarto, hawak ang smartphone. She composed a message for Clive. Leigh: thank you sa pabantay, Mayor. She giggled. Parang nainis siya nang wala siyang matanggap na reply. Binuksan niya ang kanyang social media account sa Mukha App at hinanap si Clive. Lumabas kaagad ang kaisa-isang profile nun. Napakarami kaagad nung followers, kaka-verify pa lamang daw ng account. She opened his profile and checked it. Wala namang kahit anong upload doon pero ang daming followers. Ang