Mikalela's POV Napasimangot ako habang nakatingin sa asawa ko, narito nga siya sa bahay pero, nasa laptop naman ang atensyon niya. Simula kasi kahapon ay hindi siya pumasok ng trabaho at buong araw siyang narito sa bahay. May tinatapos lang daw siyang business proposal para sa Board Meeting nila next week, hinayaan ko naman siya kasi ang sabi niya ay malapit niya na raw matapos ang ginagawa niya, but, look at him now, sobrang busy niya. Ni hindi ko nga siya makausap ng maayos. Nakakagigil na siya! Gusto ko siyang kurutin, 'yong babaon talaga sa pisnge niya ang mga kuko ko. Tsk! Napaingos ako. "Hindi ka pa ba tapos d'yan?" Naiinis na tanong ko. Naghintay ako ng ilang segundo para sa sagot niya pero, wala akong narinig na mula sa kanya. Ugh! Nakakainis! "Asawahin mo nalang ang trabaho m