Mikaela's POV Alas kwatro palang ay bumangon na ako para magluto para sa asawa ko. Dalawang buwan na rin kaming kasal na ni Angelo at masasabi kong araw-araw ay palagi niyang pinapatunayan na mahal na mahal niya ako at kaya niya akong alagaan kahit na sobrang busy niya sa trabaho. Parang isa siyang teenager minsan na nililigawan ang kasintahan niya at ako naman ay parang teenager na kinikilig. "Okay! Tapos na ako!" Excited na wika ko nang mailagay ko na sa mesa ang lahat nang niluto ko for Angelo. It's his birthday today kaya niluto ko ang favorite foods niya. I even baked chocolate cake, marunong naman kasi akong magbake. Wala kami ngayon sa bahay kasi nasa isang condo unit niya kami malapit sa opisina niya. Our daughter is with her grandparents kasama sila Mang Mario at Aling Minda.