Mikaela's POV Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, mahina akong gumalaw at ramdam kong nakatali ang dalawang kamay ko pati na ang dalawang paa ko. May busal din ang aking bibig kaya hindi ako makapagsalita. Are we travelling? Para kase kaming nakasakay sa kotse. Lumukob ang matinding kaba sa dibdib ko, sino ang mga lalaking kumuha kanina sa akin? I don't know them, pero, base sa mga kasuotan nila'y hindi sila 'yong tipong nanghihingi ng malaking ransom money. Para silang mga businessman, and their faces, the way they acted and the way they talked to me, para silang may pinag-aralan talaga. May accent sila kung magsalita. Who are you? Who are they? Bakit ako nakagapos ngayon dito? At saan nila ako dadalhin? At bakit ako? Nakakarinig ako ng mga busina ng mga kotse. "Ano sa tingin mo