Matapos nila ako ayusan at bihisan ay ilang beses nila akong pinuri kong gaano ako kaganda at kung gaano kabagay ang damit ko sa akin. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nag-iba ang itsura ko ng maayusan ako. Ang damit ko naman ay saktong-sakto ang sukat sa akin, masyado itong sexy para sa akin, sexy back kase ito. "M-mommy?" Rinig kong tawag ng anak ko sa akin ng makababa na ako. Kasama niya sa sala sina Mang Mario at Manang Minda. Lumapit siya sa akin. Humalik ako sa pisnge niya "do I look okay?" Pati sa anak ko ay nahihiya ako. Sumulyap ako kay Manang at Mang Mario, pareho silang may ngiti sa labi. "You are gorgeous, Mommy." Aniya. Ngumiti ako sa kanya. Mula sa labas ay pumasok si Angelo, wearing his three piece suit. Nang makita niya ako ay napatigil ito sa paglalakad, nakatit