"Lito, pabayaan mo na ang mga bata! Hayaan mong ako ang magbalik sa kanila sa tunay nilang pamilya! Tama na ang kasamaan ninyo ng anak ko! Ang anak ko pinagbayaran na niya ang lahat ng kanyang kasalanan sa kulungan pero ikaw, nananatili kang nasa labas at namumuhay ng normal kahit na sangkot ka sa kidnapping noon. Kaya para makabawi ka manlang sa kasalanan mo, hayaan mo ng makauwi ang mga bata sa tunay nilang pamilya." Mahabang wika ni Lola Nena kay Lito. Nagulat naman si Arlott sa sinabi na iyon ni Lola Nena. Ibig sabihin ang lalaking ito ay sangkot sa nangyari sa kanila noon ng kanyang mga magulang pati na sa pamilya ni Marilag. "Ano bang pinagsasabi mong matanda ka? Hindi ko kasalanan kung tatanga-tanga ang pamilya ng batang lalaking iyan dahil nawala sila sa camping site. Malay ko