INOSENTE: 74

1205 Words

"Inay, Inay!" halos gumapang si Bogart palapit sa kanyang ina na noon ay nakahandusay at tila wala ng buhay. Yakap-yakap naman ito ng binatilyong sa tingin niya ay anak ng isa niyang nabiktima. Duguan ang kanyang buong katawan pero batid niya na nasa katinuan pa siya. Ngunit nababanaag niya sa mga mata ng mga bata at maging sa kanyang Ate Loleng ang takot. Takot dahil duguan ang buo niyang katawan, halos hindi na rin makilala ang kanyang mukha dahil sa naliligo nga siya sa dugo. Minabuti talaga niya na dalhin sa may kalayuan si Lito para hindi makita ng mga bata at ng kaniyang ina at Ate Loleng ang gagawin niyang pagpatay kay Lito. Ayaw din naman niyang masaksihan iyon ng mga bata. "Bogart, umalis ka na lang! Parang awa mo na, huwag kang lalapit dito! Hindi ka namin kailangan ni Inay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD