"Huwag na tayong maghintay dito sa kweba sundan na natin ang mga bato na iyon dahil natitiyak ko na iyon ang magdadala sa atin kung nasaan ang aking anak pati na si Arlott," wika ni Nelly kay Reynald pati na sa mga sundalong kasama nila. "Ngunit hapon na madam baka aabutin tayo ng gabi sa daan," sagot naman ng isang sundalo sa kanya. "Hindi bale na pong gabihin tayo Sir, basta mahanap ko lamang po ang aking anak. Natitiyak ko na matutunton na natin sila dahil ako mismo ang nagturo ng bagay na iyan sa kanilang dalawa ni Arlott. Kaya ayan ang patunay na buhay pa ang aking anak, pati na si Arlott kaya naman huwag na tayong magsayang pa ng oras sundan agad natin ang trace na iyan para makita ko na ang aking anak." mahabang pahayag niya sa sundalo. Nais pa yata ng mga ito na manatili sila s