"Gago mo boy! Sabi ko na nga ba at ako lang din ang tatapos sa buhay mo! Nakapatay ka nanaman hayop ka! Hindi ka na talaga nasiyahan sa mga napatay mo na dati ha!" gigil na wika ni Bruno sa nakahandusay na duguang si Bogart. Walang kaalam- alam si Bogart na nakasunod pala sa kanya si Bruno simula sa Bilibid hanggang sa lahat ng sinakyan niya para makauwi lamang ng probensya. Isa lamang ang nasa isip ni Bruno, ang mapatay si Bogart at maipaghiganti ang boss niya. Kating-kati na rin siya na maisakatuparan ang kanyang plano. Ang gilitan din ng leeg si Bogart para maranasan din nito ang hirap na pinagdaanan ng mga naging biktima nito lalo na ang kanyang boss. Kaya naman maulol-ulol siya habang nakatunghay sa walang malay na si Bogart. Ang mga kausap naman nito na dalaga at binata pati na