"S-Sabihin mong nagbibiro ka lang Lito! Wag mo akong paglaruan ng ganyan! Sabihin mong hindi totoo ang sinasabi mo!" umiiyak na wika ni Aling Nena kay Lito na noon ay tila natutuwa pa sa nangyayari. Nanginginig ang kanyang buong katawan, parang hindi niya matanggap sa kanyang isipan na siya pa ang nakatagpo sa mga batang biktima ng kahayupan ng kanyang anak. Matagal na panahon na itinago ni Lola Nena ang lihim na ito ng kanyang pamilya. Kaya nga itinakwil na niya ang kanyang anak na si Bogart dahil sa kahayupang ginawa nito. Kahit siya ay hindi talaga masikmura ang kwhayupan ng anak. Mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Bogart, pero hindi niya akalain na ang pag-spoiled niya dito ay hahantong sa ganitong sitwasyon na mapapasama ito sa masasamang loob at malulong sa bisyo. Nagin