INOSENTE: 67

1667 Words

"Apo, huwag kayong makinig sa kanya maniwala kayo sa akin. Hindi ko rin alam na kayo ang anak ng mga napatay ng walang hiya kung anak na si Bogart. Tinanggap ko kayo ng buong puso sa aking bahay dahil alam ko na nangangailangan kayo ng kalinga at tamang gabay. Pero kung alam ko lang sana at maaga ko lang na natuklasan na anak pala kayo ng mga nabiktima ng aking anak baka unang araw pa lang hinanap ko na ang pamilya ninyo para sana nagkasama-sama na kayo. Kahit papaano ay nabawasan ang kasalanan ng anak ko. Apo makinig kayo sa akin, hindi ko naman kayo pinakitaan ng masama habang nasa poder ko 'di ba? Makinig kayo sa akin dahil para sa inyo din itong ginagawa ko kaya sana naman makinig ka sa akin Apo." pakiusap ni Lola Nena kay Arlott. Ngunit sarado na ang isipan ni Arlott sa narinig niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD