Ilang sandali pa at sakay na sa bangka si Arlott at Marilag. Tahimik lamang si Lito at tila wala itong balak na kausapin sila tungkol sa plano nito na dalhin sila sa kanyang mga magulang. Medyo kinabahan siya dahil sa pananahimik ng lalaki habang nakatanaw lamang ito sa kalawakan ng karagatang kanilang tinatawid. "Kuya Arlott, sigurado po ba kayo na dadalhin tayo ng lalaki na yan kina Mama at sa Mommy mo? Kawawa naman po sila Lola Nena sinaktan pa niya bago tayo umalis. Wala naman po sigurong kasalanan si Lola Nena sa ginawa ng anak niya 'di ba at saka minahal po niya tayo at inalagaan ng ilang araw. Paano po kung may masama pa lang balak sa atin ang lalaki na yan?" pabulong na wika ni Marilag sa kanya. Ayaw niyang mag-isip ng masama kay Lito gusto nila na magtiwala dito dahil ito ang