"Sige kain pa kayo mga bata. Damihan niya ng kain para naman masulit ninyo iyong ilang taon na hindi kayo kumain ng maayos na pagkain," nakangiting wika ng matanda pero emosyonal pa rin ito. Medyo gumaralgal pa nga ang boses habang nagsasalita at tinitingnan si Marilag na noon ay tila sarap na sarap sa kinakain. Sa bawat pagsubo nito ay talagang ninanamnam nito ang pagnguya ng kanin. At ganon din ang bawat pagkagat nito ng ulam. "Sige kain ka lang ng marami Marilag, huwag kang mahiya, tsaka huwag kang mag-alala na mauubos iyong manok kasi maraming alaga si lola diyan sa likuran ng bahay kahit anong oras pwede kitang ipagluto ng fried chicken, di ba lola?" nakangiti namang wika ni Sandro na tila aliw na aliw sa panonood habang maganang kumakain si Marilag. "Ay oo naman, marami tayong a