"Ayyy! Hindi po, hindi po kami magnanakaw Nay!" bulalas ni Marilag. Isang matandang babae ang dumating at nagsisigaw ito na magnanakaw daw sila marahil ito ang may-ari ng bahay. May tinatawag itong Sandro ang pangalan kaya natakot na siya dahil baka kuyugin ang kanyang kuya. Baka bugbugin ito ng mga kalalakihan. Maya-maya ay kumuha ng walis tingting ang matandang babae at walang awang pinaghahambalos nito ang kanyang kuya Arlott. "Wag po, maawa kayo Nanay hindi po kami masamang tao, hindi po kami magnanakaw!" umiiyak na wika ni Marilag tsaka hinarang niya ang katawan sa kanyang Kuya Arlott na noon ay walang habas na pinaghahampas ng matanda ng walis tingting. Pero agad siyang niyakap ng kanyang kuya Arlott at iniharang naman nito ang likuran sa kanya dahil ayaw nito na siya ang matam