"Kuya, napansin mo ba iyong lalaki iyong kinikilos ng lalaking bisita nina Lola? Bakit gano'n siyang tumingin, tsaka medyo natatakot ako sa kan'ya. Alam mo ba 'yung pakiramdam na parang nagtayuan ang balahibo ko sa batok. Bakit kaya gano'n?" nagtatakang tanong ni Marilag sa Kuya Arlott niya. Nasa labas sila ng bahay, nasa may malapit sila sa puno ng mangga na nakatumba nakaupo siya doon at ang Kuya Arlott naman niya ay nakatayo at tila balisa din ito. Nasa loob ng bahay ang bisita at kausap ang Lola Nena nila pati na Tiya Loleng at Tiya Pipito nila. Maging si Zandro ay nasa loob din, mukhang galing sa siyudad ang bisita nilang lalaki. "Naramdaman mo rin pala iyon Marilag, ako rin eh, pag bless natin kanina sa kanya. Basta kakaiba 'yung pakiramdam, bakit kaya gano'n at saka kakaiba siya