"Kuya, baka hanapin tayo nila Lola Nena." nag-aalalang wika niya sa kanyang Kuya Arlott. Nakarating na sila sa mismong niyog na inakyatan nito noo. Nandoon pa nga ang ilang buko na hindi na nila nakain dahil sa pagmamadali nilang makapunta sa kabahayan. "Kaya nga bilisan lang natin Marilag." sagot naman nito sa kanya. Agad siya nitong isinandal sa puno ng niyog at tila nahihirapan itong huminga dahil parang hinihingal ito. Naisip niya na baka naman dahil sa paglalakad nila ng mabilisan patungo sa lugar na iyon kaya parang hinihingal ito. Maya-maya ay ibinaon nito ang mukha sa kanyang leeg animo nilalanghap nito ang amoy niya. "S-Sobrang na-miss ko na ang amoy mo M-Marilag. Lalo na ngayon napakabango mo dahil bagong ligo ka tapos idagdag pa ang amoy ng sabon na gamit gamit mo. Pero ka