"Kuya malayo pa po ba tayo? Bakit parang wala nang katapusan itong paglalakad natin pero wala naman po tayong nakikitang mga bahay tsaka mga tao po parang nasa bundok pa rin po tayo eh," reklamo ni Marilag. Pero patuloy pa rin naman ito sa paglalakad kaya lang hindi na niya alam kung nasaan na silang dalawa. Pero ginawa pa rin niya iyong turo ng Mama ni Marilag na mag-iwan ng bakas para makabalik sila kung mawala man sila. Kaya naman sa bawat hakbang nila ay naghuhulog siya ng bato sa kanilang dinadaanan. "Sige lang patuloy lang tayo basta siguro naman sa maghapon nating na paglalakad makakarating din tayo sa kapatagan. Hindi naman kasi pwedeng bumalik tayo dahil napaka layo na ng nalakad natin. Kaya ituloy nalang natin ha, konting tiis na lang." sagot naman niya dito minabuti nilang m