Tagaktak na ang pawis nilang dalawa at sa tingin din niya ay malapit nang magdadapit hapon pero wala pa rin silang matanaw ng mga kabahayan at mukhang naliligaw na nga yata talaga sila. "Kuya pagod na pagod na po talaga ako. Sigurado ka po ba papunta tayo sa kapatagan kasi kaninang kanina pa po tayo naglalakad pero wala naman po tayong makitang tao at mga kabahayan. Di po kaya nasasayang lang ang oras natin dito parang hindi po tayo nakakaalis sa kagubatan eh?" reklamo ni Marilag. Sambakol na rin ang mukha nito at tagaktak na rin ang pawis. Hindi na maipinta ang mukha nito dahil siguro sa sobrang pagod simula pa nga naman ng umaga sila walang tigil sa kaka-lakad pero parang walang katapusang lakaran lamang ang kanilang napapala at napapalibutan pa rin sila ng naglalakihang mga puno. Kah