Candy's POV "MOM!" Nagmamadali akong lumapit kina Mom at Dad na ngayon ay kausap ang isang officer. "Mom, meron na bang naghahanap sa anak ko?" naiiyak na ako. Hindi ako mapakali. Baby pa si Cooper at baka kung saan na siya napunta. Paano na lang kung nahulog na pala ito sa tulay or paano na lang kung may nakapulot sa kaniya at ebenta. Lahat ng puwede mangyari ay pumasok na sa isip ko. "Hinahanap na nila si Cooper. May grupo na ng mga pulis na naghahanap sa apo ko." sagot ni Mommy. Medyo nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi pa rin ako mapakali. Hindi mawawala si Cooper kung walang may intensyon na kumuha sa kaniya. Isa lang ang taong pumasok sa isip ko. Si Kyle. Siya lang ang taong puwedeng kumuha kay Cooper. Matagal ng gustong makita ni Kyle ang anak namin kaya hindi malabong s

