Third Person's POV MULA sa balcony na kinaroroonan ay kitang-kita ni Kyle na magkasama sa labas si Candy at Shawn. Kaagad siyang tumawag sa guard house. Ilang minuto lang ay sumagot din kaagad ang guard. "Sir Kyle, bakit ho?" "I have guests. You will only let one person in, only my wife." "Wife niyo po? S-sino ho, Sir?" "Candy, you know your Ma'am Candy, right?" "Ah, o-opo, Sir. Matagal din kasi nawala si Ma'am Candy kaya nagtataka lang ho ako. Pasensya na ho." "Don't forget my instructions." "Okay po, Sir. Sila na po yata ang nasa labas." sambit ng kaniyang guard. Kaagad niyang ibinaba ang telepono at muling sinulyapan ang kinaroroonan ng asawa. Hindi niya na ito makita dahil natatakpan na ito ng malaking malaking gate. ------ Candy's POV "Kyle?" buong lakas na sigaw ko. Hulin

