RITHWELL PRYCE ARANDIA __ Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Napabalikwas agad ako nang bangon. Medyo masakit pa rin ang ulo ko, but I felt more better. Sinilip ko ang mga mensahe sa cellphone ko. Maraming tawag at mensahe roon ang mga katrabaho ko. I couldn't believe na hindi pala ako nakapasok sa trabaho kahapon. I didn't even know. Kung ganoon, isang araw na pala akong natutulog. Nagmadali akong nagpunta sa banyo. Binilisan kong maligo at magbihis. Kinuha ko na ang bag ko sa ibabaw ng desk pero napatigil ako nang mapansin kong may nakahandang pagkain doon. Marahan kong kinuha ang note sa ibabaw no'n. "Eat this when you wake up." I was a little bit confused pero pamilyar sa akin ang handwriting. Bahagya akong mapangiti. Malapit na ak