RITHWELL PRYCE ARANDIA __ Binuksan ko ang paper bag na binigay niya sa akin bago kami maghiwalay kanina. Muli na namang nabuo ang malawak na ngiti sa mga labi ko nang makita kong libro iyon. Iyong tinitingnan ko sa bookstore kanina lang. Hindi ko na naman maipaliwanag ang saya sa dibdib ko. Hindi ko alam kung nakita niya akong tinitingnan ang librong iyon o nagkataon lang. Maingat ko iyong dinala sa ibabaw ng desk ko. Matagal akong nakatingin sa ceiling habang nakahiga sa ibabaw ng kama. Pakiramdam ko hawak ko pa rin sa kamay ko ang malambot na kamay nito. "Ibang klase na naman ang saya mo, ah?" Ani Lance nang pumasok ako sa tindahan kinabukasan. "Tingnan mo 'yang mga pisngi mo. Pulang-pula. Hindi pa rin kayo?" Umiling ako. "Hindi pa." "Sus!" Tila hindi nangangawit ang panga ko