ZARIN KLAIRE SANDOVAL __ "Hello?" Nag-angat ako ng tingin kay Alina mula sa papel na hawak ko. "Mag-iisang oras ka nang nakatingin d'yan sa papel na hawak mo. Are you sure ako ang pasyente dito? Parang kailangan mo rin kasing maging pasyente for a day. Sigurado ako mahal ka no'n." "What were you saying?" "Ah, gusto mong ulitin ko? Ayoko nga. Sa dami ba naman no'n sumasakit na ang lalamunan ko. Alam mo, i-resched mo na lang ako at suggest ko lang 'wag ka nang tumanggap ng pasyente ngayon. Your mind is flying. So... he broke up with you talaga?" "No one can break up with me." She laughed. "Iba talaga ang fighting spirit, oh. Ano bang nangyari? May panlalamig ba? May iba na? May third party? What?" "I already told you about that day." "Ah, nag-start nu'ng unintentionally nasaktan mo