ZARIN KLAIRE SANDOVAL __ "Ah, Klaire," tawag sa akin ni Drew nang makalabas ako ng silid. Alanganin itong ngumiti. "Ako na 'yung nagpahiram ng damit do'n sa babae. Kawawa naman, e." Tinanggal ko rin ang tingin sa kaniya at nagpatuloy sa paghakbang palabas ng pinto. I don't care. "Tsk, tsk, nahuli mo ba, miss?" tanong sa akin ng lalaking madalas nakasilip sa second floor. Hindi ko rin ito pinansin. Nagpatuloy ako sa pagbaba. Napahinto ako nang makita kong nandoon pa ang babaeng iyon. Simple kong tiningnan ang suot niyang damit. Drew must be telling the truth. Pinahiram niya ito ng damit. Better. I wouldn't let her use any of his clothes na ginagamit ko rin kapag nanatili ako sa silid niya. "Ah, miss... I- I can't leave. 'Yung sasakyan mo kasi nasa likod ng s-sasakyan ko." Binuksan