Chapter Thirty Two ARC KINAUSAP ko si Erica matapos kong ihatid si Janice sa kanila. "ANG kapatid mong si Janice, umuwing may pasa sa katawan. Mukhang natrauma pa dahil bigla na lamang siyang nanginginig sa tuwing maaalala niya ang lalaking nagmaltrato sa kanya," Nabigla siya sa nalaman. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha, "Kailan pa siya dumating kuya?" "Kanina lang," "Jusko, ano bang nangyari sa kanila ng hayop na lalaking yun?!" galit na saad niya. "Huwag kang mag-alala, dinala ko na siya sa bahay niyo. Saka nangako naman akong darating ako kapag kailangan niya ako," paliwanag ko. "Salamat kuya hah?" Bago ko pinaandar ang motor ko, nagsalita ako, "May isa sana akong pabor," "Ano yun kuya?" "Maaari bang sa atin na lang muna ang tungkol kay Janice? Lalo na't may nakaraan