Samantala, naiwan silang tatlong lalaki. Siya si Dave at si Greg. Nakangiting lumapit sa kanila ito upang basagin ang pananahimik nilang dalawa. Inaalaska nito ang lalaki sa ginawang pagtangay kay Taka at pagdala sa isla ganoon din daw kasi ang ginawa kay Alexis. Isa sa membro ng grupong kinabibilangan ni Haidee. Nang tahimik silang dalawa ay tumigil din ito at nagpaalam na magbabanyo. Kaya mas lalong natahimik silang dalawa. Napatingin siya sa dating kababata at saka nagsimulang maglakad at tinungo ang kinatatayuhan kanina ng ama. Doon ay malayang nakita ang nilalaman ng mga larawang sinaboy sa ama. Muli ang anag-ag ng kahapon ay kumislap sa kaniyang isipan. Mga pangyayaring sa pelikula lang niya napapanood noon na ni hinagilap ay mangyayari rin sa kanilang pamilya. Pinulot ang isang