"Handa na ang almusal," tinig ng ina na nagpabalik sa kaniya mula sa pagkakangiti kay Zeus. "Kayo ba'y nagsipag-almusal na bago manligaw?" natatawang tanong ng ina sa dalawang lalaki na abala sa kaniyang mga kakambal. "Mabuti pa ay samahan niyo na muna kami. Aba! Mukhang paagahan ngayon ang panliligaw ah. Hindi pa gising ang nililigawan ninyo nandito na kayo," parunggit ng ina sa mga ito na natatawa. Nakitang bumalik sa kusina ang ina habang si Zeus naman ay matamang nakatingin sa kaniya. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod sa ina ngunit nang matapat siya kay Zeus ay kitang matiim pa rin itong nakatingin sa kaniya. "Ahemm?!" tikhim upang pukawin ang pansin nito. Muli itong ngumiti sa kaniya nang bigla siya nitong akbayan. 'Anong meron at may paakbay ang herodes na ito?' maang s