Pagsipat ni Zeus sa orasang pambisig ay quarter to twelve na. Ibig sabihin noon ay bente minutos na lamang ay ganap na papatak ng alas dose. Matapos makababa sa patag ay inabutan pa sila ng bahagyang pagbuhol ng trapiko. "What?! Gabi na pero traffic pa rin?" may inis na turan sa kawalan. Panay ang busina ng kapwa niya driver na nais na ring makauwi. Kitang pinagpapawisan ang lalaki kahit malakas ang aircon. Panay nga ang kapa niya kung may lamig bang lumalabas mula roon. Panaka-naka rin ang tingin nito sa relo dahilan upang maalala ang curfew niya. Napangiti tuloy siya, imbes na mataranta rin dahil tiyak na magagalit ang ama. Kitang muli na naman itong bumusina matapos may sumingit sa kanila. "Buwisit!" dinig na sambit nito. Mahina pero sapat na para marinig dahil sila lamang dalawa an