Napangiti na lamang si Zeus sa ginawang pambibilat ni Kikay sa kaniya. "Inay, Itay, tama po ang sabi ni Kikay. Siya po siya si Althea, siya po si Kikay, kakambal ni Althea," paliwanag sa mga ito at nakitang kahit papaano ay nawala ang pagdududa sa mga mukha ng mga ito. "Ay, ganoon ba? Akala kasi namin ay baka sa babae pa masisira ang pagkakaibigan ninyo," bawi ni Mang Rudy sa kaniya. "Hindi ko alam na may kakambal pala si Ma'am Althea?" maang nitong sambit. "Ako man po ay hindi ko po alam na may kamukha ako. Nang bumalik itong si Zeu-Sir pala ay sinabi niyang may kamukha raw ako," hindi niya mapigilang sabad. Kapwa napatingin ang dalawang matanda sa kanila. Hanggang sa narinig na nagsalita rin si Zeus. "Hindi lang po si Kikay ang kakambal ni Althea. Mayroon pa pong isa," imporma niya