Talagang masarap ang mga pagkaing nakahatag kaya hindi napigilan ni Kikay ang sarili. Sabagay, wala naman sa bokabularyo niya ang salitang diyeta kaya panay lang ang kain. Maging si Zeus ay napakain din dahil bukod sa masasarap ang pagkaing pinahanda sa mag-asawa ay talaga namang nakakahawa ang pagiging magana ni Kikay sa pagkain. Kakaiba talaga ito sa lahat ng babaeng naka-date niya dahil wala itong arte. Hanggang sa maya-maya ay narinig itong napa-burp sa kabusugan. "Ops! Sorry!" mabilis nitong takip sa bibig. Imbes na ma-turn off ay tila mas nagustuhan pa ito. "It's okay, that normal," aniya para mapangiti. Napangiti rin si Kikay. Maya-maya ay nilahad ang kamay sa harapan ni Kikay. Kita niyang nakatingin lamang ito sa kaniya. "Let me have this dance?" aniya rito at doon lamang nit