Chapter 13:

1723 Words
Agad na lumingon si Kelly at nakita ang kaibigan nito. "James, good to see you again. By the way, she's Kathleen," pakilala nito kay Kikay. "Oh, hi. I'm James," agad nitong wika sabay lahad ng kamay nito. Nahihiyang inabot naman ni Kikay ang kamay rito. 'Gosh, may pa-shake hand, ang gaspang pa naman ang palad ko,' aniya sa isipan. "Nice to meet you po," aniya. Napangiti si James sa kaniya. "Just call me James and remove the po," natatawang wika nito. "So, I guess I have to go. Kikay, don't worry, James is harmless and he'll gonna drop you home," pagpapaalam ni Kelly. "No! I will bring, Kikay home," sabad ni Zeus. "Oh, hi Zeus," bati ni James na tila noon lang napansin ang presensiya nito. "Bro, hi daw!" untag ng kaibigang si Joseph sa kaniya. Hindi malaman kung bakit tila ayaw niya ang ideyang may ibang lalaking kasama si Kikay. "Hindi kami bati niyan. Upakan ko pa?" buwisit na wika sa lalaking nasa harapan. Natawa si Joseph sa sinabi niya. Nainis si Kikay sa narinig buhat kay Zeus dahil ang sama ng sinabi. Buti na lang at hindi ito naiintindihan ni James. "James, I have to go. Enjoy your date," ani pa ni Kelly saka nagmamadaling umalis. Naiwan silang natitigilan. Kaya giniya siya nito sa mesang nireserba nito para sa kanila. "Guys, sorry but we have our place. Nice seeing you around, Zeus," ani pa ni James saka umalis. Nabuwisit lalo si Zeus. "Oh, relax ka lang, Dude. Napaghahalata ka tuloy," awat ni Joseph sa kanya. "Halatang ano?" gigil na tanong. "Na nagseselos ka!" may kalakasang sabad ni Joseph. Natigilan siya. Nagseselos ba siya. Kay Kikay, magseselos siya? Napailing na lamang siya. "No way!" saad sa kaibigan. Nakitang umiling ito saka ngumisi. "She's pretty tho," pahabol pang wika saka bumalik na sa mesa. Maganda naman talaga si Kikay kahit nga wala itong make-up. Iyon ang unang napansin rito noong unang makita pero naiinis siya sa alalahaning nagpaganda lang ito dahil sa James na iyon. Hindi napigilang mapasulyap sa kinaroroonan ng mga ito at nakitang nagtatawanan ang dalawa. Mas lalong nanggagalaiti siya. "Dude, kahit titigan mo pa sila. Wala ka nang magagawa, date nila ito," pasaring pa ni Joseph saka muli pang nang-usisa. "Paano mo pala siya nakilala?" dinig na tanong ng kaibigan. "Siya ang kinuha ni Mama na caregiver ko kuno!" labas sa ilong na wika. "Whaaaaaat?!" sambulat ni Joseph saka malakas tumawa. "Anong nakakatawa doon?" inis na baling sa kaibigan. "Wala! Wala naman, Dude pero infairness ha. Kaya pala ganyan na lang ang reaksyon mo. Buti at nagtagal sa'yo iyang si Kikay," anito na nagpataas ng dugo niya. "Ano sa tingin mo sa akin? War freak!" "Oh, relax! Hindi naman, kaya nga kaibigan kita. Well, mula noong—" tigil nito. "Noong alam mo na ay naging maiinitin ka, ni wala ngang nagtagal sa'yo, 'di ba?" Muling naalala si Alexis. Mapait siyang ngumiti. "Kung mainitin ang ulo ko. Itong si Kikay, binaon yata lahat ng pasensiya mula Pilipinas. Akalain mo bang akala ay bata ang aalagaan," naiiling na kuwento sa kaibigan. "Talaga?!" anito na tila interesado sa kuwento niya. "Yeah. Biruin mo noong una ko siyang nakilala. Biruin mong bulagain pa ako with matching maskara pa sa mukha," aniya rito. Tumawa si Joseph. Maging siya man ay hindi mapigilang matawa sa unang encounter nila ni Kikay. Muling napasulyap sa kinaroroonan nila Kikay. Mukhang tuwang-tuwa ang lalaki habang kausap ito. Kanina pa napapansin ni Kikay ang palagiang pagsulyap ni Zeus sa kanila ni James. Kaya naisip niyang inisin pa ito. Mabuti na lamang at madaling patawanin itong si James at tawa nang tawa sa mga biro niya rito. Medyo nakaka-gets na raw kasi ito sa mga salitang Pilipino kahit pa English. Minsan kasi kahit English sa atin ay iba ang pakahugan sa ating Pinoy. Masaya at masarap kausap si James pero wala siyang naramdaman man lang dito maliban sa pagkailang. First time niyang may makausap na ganoon na ibang lahi maliban sa kapamilya ng pinagsisilbihan. "Try this one, you gonna like it?" Ang subo ni James sa hawak nito. Hindi niya alam kung anong pagkain iyon pero nahiya siyang tanggihan kaya sinubo na lamang niya. "How is it? Do you like it?" tanong nito. Nginuya niya iyon at habang nginunguya ay hindi mapigilang mapalingon kila Zeus na noon ay kapwa nakatingin sa kaniya. Bigla ay hindi malasahan ang pagkaing sinubo ni James kaya tumango na lamang siya ng tanungin nito kung masarap ba? Binilisan na lamang ang pagkain niya dahil gusto na niyang umuwi. Ayaw naman talaga niyang pumunta pero nahiya siya kay Kelly kaya pinagbigyan niya. Lalo pa at mukhang sumama ang tiyan sa kinain. 'Diyos ko, not now! Not now!' palahaw ng isipan ng tila dumadagundong ang tiyan. 'Huwag naman sanang abutan ako dito, parang babagyo ang tiyan ko,' aniya pa sa isipan. "Are you okay?" agad na tanong ni James sa kaniya ng mapansin nitong very uncomfortable siya sa kaniyang pagkakaupo. "Oh, yah. I'm good. I think, I just need to go to the bathroom," aniya rito. "Okay," anito kaya mabilis na siyang tumayo. Mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng toilet. Buti na lamang ay agad iyong namataan kung saan. "Bakit ngayon pa!" aniya sa sarili habang tila pagpapawisan sa pag-aalburuto ng tiyan. Nang makapasok sa banyo ay naginhawaan siya. Nang bumuti ang lagay ng tiyan ay bumalik siya. Malinis na ang mesa nila at nakangiti pa rin si James sa kaniya kaya ngumiti rin siya. "Kathleen!" tawag nito. "Yes, James," matamis na ngiti. "Do you like me?" tahasang tanong nito. Napatingin siya sa guwapong mukha nito. Hawak pa ang kamay niya. 'Ganito ba ang mga Kano, deretsahan kung magtanong ng feelings,' aniya pa sa isipan. "James, you're nice and handsome. I like you but-" agad na wika. "But just a friend," habol dito. Pinilit nitong ngumiti. "I like you too but I feel like your avoiding me. Well, don't worry. I'm not mad at you. So, friends," anito sabay abot ulit ng kamay nito bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan. Ngumiti siya. "Sure," aniya rito. "Okay, I think I should drop you home," anito at patayo na ito nang muling mag-alburuto ang tiyan. "Excuse me, James, gotta go to the bathroom," aniya. "Hey, are you alright?" Mukhang nakahalata na ito. "Yes," kaila niya saka nagmadaling bumalik sa CR. Nang makabalik sa labas ay hindi na niya makita si James bagkus ay si Zeus ang nakitang nakatayo sa pinag-iwanan dito at tila hinihintay siya. Wala na rin ang kasama nitong lalaki kanina. "Let's go," anito nang makita siya. "Si James," tanong dito. "Umalis na. Tutal pareho tayo ng uuwi ay sumabay ka na sa akin," ani ni Zeus. "Okay," aniya na hindi na nakipagtalo pa dahil baka mag-alburuto na naman ang tiyan. Kailangan niyang makauwi na. Napansin ni Zeus na disoriented si Kikay. Tila ba may dinaramdam nito lalo na nang nasa sasakyan na sila. "Are you okay?" tanong sa tahimik na si Kikay. Tumango lang si Kikay. Nanibago si Zeus. "So, kinumbinsi ka ba ni Ate Kelly na makipagkita o makipag-date kay James?" dinig na tanong ni Zeus ngunit hindi niya mai-concentrate ang tanong nito dahil biglang nag-alburuto ang tiyan niya. Ibayong pagpipigil ang ginawa. Lumingon si Zeus sa babaeng katabi. Wala itong imik at pinagpapawisan kahit malamig ang loob ng sasakyan niya. "Hey, Kikay. Okay ka lang ba talaga?" untag dito. 'Utang na loob, huwag ngayon,' pigil sa sarili. "Can you just make it fast," nanginginig pang wika. Akalain niya iyon, napa-straight ang dila niya sa pag-English dahil sa pag-aalburuto ng tiyan. Nabahala si Zeus sa nakikitang reaksyon ni Kikay. "Tell me. Okay ka lang ba?" ulit na tanong dito. "Utang na loob. Bilisan mo na lang ang pagmamaneho mo!" buwisit na turan dito. Mukhang umandar rin ang kakulitan nito. "Sabihin mo na kasi, namumutla ka na!" pilit nito. "Okay fine! Jeez!" aniya saka bumuntong-hininga. "Naje-jebs ako kaya bilisan mo na," palatak na turan dito. Kung marunong lang siyang magmaneho ay inagaw na niya ang manibela. "Ha! Anong jebs?" ulit nito. "Ahhhh!" aniya sabay napakapit sa braso ni Zeus. Pigil na pigil talaga siya. Tila pasan niya angbkundo. Mukhang napasama ang tiyan sa sosyal na pagkain at ngayon ay nag-aalburuto. "May nakain yata akong hindi maganda," maya-maya ay nasambit dito. Nagsisimula na rin siya kasing pagpawisan ng malapot. Tumingin ito sa kaniya. Mabilis nitong inihinto sa isang convenient store. May public restroom iyon kaya agad siyang nagpunta. Pagbalik sa sasakyan nito ay may iniabot ito. Napatingin siya sa mukha ng lalaki. "Take it! Inumin mo, ito ang tubig," anito sabay abot ng tubig. Mabilis na inabot iyon. Doctor ito at alam niyang ito ang makakatulong sa kaniya. Agad na ininum ang gamot na bigay nito. Sabay pahid sa pawis niya ng marinig ang impit na pagbungisngis ng katabi. Napakunot-noo siyang napatingin rito. "Anong nakakatawa doon?" sikmat dito. Hindi talaga mapigilan ni Zeus ang matawa. Akalain ba niyang matatae si Kikay sa unang date nito sa Amerika. "Iyan kasi, may pasubo-subo pang nalalaman," maya-maya ay hindi mapigilang turan. "Ah! So, pinagtatawanan mo ako. Ganoon?!" aniya rito. Tumahimik si Zeus. "Hindi naman, tell me if bumuti na ang tiyan mo para makauwi na tayo," anito. "Medyo okay naman na. Salamat," wika rito. "Ano? Uulit ka pa ba?" tanong nito. Tumingin siya rito ng matalim. "Tara na nga lang para makauwi na tayo. Naaalibadbaran ako sa'yo," aniya pero iba ang sinasabi ng isip. 'Naku, Kikay! Mahirap ma-in love baka hindi ka saluhin,' yamot ng isip niya. "Bakit? Guwapo ko noh," pangungulit sa kaniya ni Zeus. Doon ay napahagalpak siya ng mukha. "Guwapo daw?" aniya. "Eh, bakit! Mas guwapo naman ako sa Segundo mo!" gilalas nito. "Eh, bakit nasama si Segundo rito." "Ikaw kasi eh," sawata nito. Napatigil si Kikay saka sumilay ang ngisi sa labi. "Ehh! Nagseselos siya kay Segundo?" balik tudyo sa lalaki. "Never!" anito saka pinaharurot ang sasakyan. Halos masubsob si Kikay sa dashboard ng sasakyan nito dahil hindi pa naikakabit ang seatbelt nito. "Ouchhhh! Papatayin mo ba ako?! Kakainis ka!" aniya rito sabay palo sa hita nito at nabigla siya. Nabigla siya kung bakit niya nagawa iyon. Napatingin sa kaniya si Zeus. Nahihiyang binawi ang kaniyang kamay. "So—sorry," aniya saka binaling sa bintana ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD