Chapter 12:

1808 Words
Pagkababa ni Kikay ay agad na tumambad ang Ma'am Kelly niya akay ang anak nito. "Good morning, Kikay," nakangiting bati nito. "Good morning too, Ma'am. Good morning little boy," masiglang bati sa mag-ina. "I told you, Kikay. Call me, Kelly," turan nito. "Okay, Kili-kili," nakangiting turan. "What is it?" maang nito. "Nothing, Ma'am I mean, Kelly, " mabilis namang tugon. Madali lang naman siyang kausap. "I thought you came from Zeus' room. Is he coming?" anito sa kaniya. "Yes, Kelly he is coming," tugon naman niya. Napangiti ito sa kaniya. "I'm going, Kelly because I will tell Ma'am Janeth that Zeus wants to set the breakfast on the pool area," turan sa babae saka naglakad na. "Ah, Kikay," tawag nito. "Yes?" Lingon rito. Humakbang ito papalapit sa kaniya. "Do you have something to do tonight?" Agad namang napaisip si Kikay kung ano nga ba ang gagawin niya mamayang gabi. Tapos ng maisip na wala naman ay muling binalingan ang babae. "I will just sleep, Kelly. Aside from that, nothing. Might meet my prince charming in my dreams," natatawang sagot rito tapos naalala kung bakit siya nito tinatanong. "Why?" mahabang wika. "Ah, nothing. I just think that you've been here for two months and you never went out. So, I just wanna know if you want to go out or hang out with somebody," alanganing turan nito. "Go out? Hang out? That's nice but I have no friends here," gagad namang turan. "What if I'm going to let you know someone like, wait?" anito saka nag-isip. "May boyfriend ka na ba?" nakangiting tanong nito. Mukhang naiisip na niya ang pupuntahan ng pag-uusap nila. "No!" aniya na may kasama pang iling. "Great!" anito na tila na-excite pa. "I want you to meet my friend. He is single and he wanted to meet a Filipina woman. No worries, he is good and it's not too hard for her to understand you. He is a doctor and he works to a lot of Filipina nurses that's why he adopted Filipino culture too like me from Tita Janeth," mahabang paliwanag nito. Napaisip siya tutal ay off niya bukas. Why not, dahil ang tagal-tagal na rin siyang hindi lumalabas. Baka it's time for her naman na para makakilala ng ibang tao. "What?" untag ni Kelly na naghihintay ng sagot niya. "Okay, sure," aniya sabay thumb up dito. "Really? Yes! O-okay I will message, James," tili nito na tila batang tuwang-tuwa. "What's happening here. Ate?" gulat na sabad ni Zeus na pababa ng hagdan. "Excuse, Kelly, I have to go," paalam ni Kikay. Patay siya kapag hindi pa napuntahan sa kusina ang Ma'am Janeth niya. Narinig pa niyang inuusisa nito ang kapatid sa pinag-uusapan nila. "Nothing, I'm just talking to her," kaila ng babae. Napangiti na lamang si Kikay. Pagpasok sa kusina ay nakita roon ang abalang ginang. Saktong katatapos nitong magluto. "Dumating ba si Kelly?" tanong nito. "Yes, Ma'am. Sabi po pala ni Zeus gusto niya sa pool area," aniya rito. "Ganoon ba? Okay, tulungan mo na lang akong buhatin ang mga ito," anito saka tinulungan na ito. Saktong bumungad naman ang magkapatid at buhat na ni Zeus ang pamangkin nito. "Grandpa," ani ng bata nang makita ang lolo nito. "Hey, good to see you. How are you?" masayang tanong nito sa apo. "I'm good. How about you Grandpa?" bibong balik tanong nito. "I'm very good. Good that you came over," anito sa panganay na anak. "I'm sorry, Dad. I'm just busy these past days," ani ni Kelly sabay akbay sa ama at inakay paupo sa mesa. Umupo na silang lahat maging si Kikay. Sakto pang katabi niya si Zeus na tahimik. Ngunit pasimple niyang tinitignan ito mukhang pinapakiramdaman din siya nito. Kaya ng mahuling tumingin ito sa kaniya ay kinindatan ito. Nanlaki ang mata nito. Napangiti siya rito. Umirap naman ito sa kaniya. Natapos ang breakfast nilang tahimik silang dalawa at nagsasalita lamang kapag kinakausap sila ng mga ito. Naging abala kasi ang mga ito sa pagkikipag-usap kay Kelly at paglalaro sa apo ng mga ito. Matapos noon ay nagkaniya-kaniya sila. Si Zeus ay bumalik sa silid habang ang iba naman ay nagpunta sa sala. Habang siya naman ay nag-ayos. Habang nag-aayos ay bumalik si Zeus sa kusina. Nakitang tinulungan siya nito. "It's okay kaya ko na ito?" saway rito. Tumingin lang ito sa kaniya. Nailang siya sa klase ng tingin nito. "Kikay, bitawan mo ang kamay ko," anito nang nabigla siya. Agad siyang napatingin. Hindi pala siya sa plato nakahawak dahil sa kamay nitong may hawak na plato. "Sorry," nahihiyang wika niya ngunit palihim na napangiti. Hokage moves ka na naman, Kikay. "Sabi ko kasing ako na rito," giit pa sa lalaki. "Ito ang trabaho ko noong wala ka pa. Let me help you," ani Zeus. Hinayaan na lamang ni Kikay ang lalaki. Mapilit eh, kaya aangal pa ba siya eh mapapabilis ang trabaho niya. Matapos maipasok lahat pinagkainan ay magkatuwang silang linisan at ipasok sa dishwasher ang lahat. Habang nililinis niya ang mga ito ay ang lalaki naman ang naglalagay sa dishwasher at nang matapos siya ay agad siyang napausog ng makita ang puwetan ng lalaki. Napangiti siya habang pinapanood nito at hindi niya namalayang nawiwili na siya at hindi man lang nahalatang tapos na pala ito at ito naman ang nakatingin sa kaniya. "Kikay, hoy! Kikay?" Yugyog nito. "Oh, anong nangyayari? May sunog ba?" agad na turan na animo ay nagising mula sa malalim na pagkakatulog. Umiiling-iling na lamang si Zeus kung hindi lang alam ang personality ni Kikay ay iisipin niyang nababaliw na ito. Katatapos niya lang tulungan si Kikay ng makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan. Isang Fil-Am din ito at alam niyang nagbakasyon ito sa Pilipinas. "Hello, man. how are you?" masayang tinig nito. "Hey, man. Kailan ka bumalik?" agad na sagot rito. "Yesterday, man. Are you free tonight?" anito. "Yeah, I think I'm allowed to go out already. You sound so excited. Marami ka bang kuwento diyan? So kumusta ang Pinas?" "Oh," anito saka tumawa. "Marami, Dude. I will tell you later. See you at Casa Real," anito sa bar na lagi nilang tinatambayan. Sa tinig pa lang ng kaibigan ay mukhang masayang masaya mula sa bakasyon nito. Naisip tuloy ang nalalapit na engagement ng kaibigan baka kailangan niya rin ng break at makakatulong sa kaniya ang pag-uwi sa Pilipinas. Kinagabigan ay handang-handa na si Kikay. Saktong-sakto sa kaniya ang dress na binigay sa kaniya ni Kelly. Talagang binili niya iyon kanina matapos silang kumain. Kaya pala biglang nawala ito. Isang nude pink iyon na hakab sa katawan. May maliit na manggas ito pero off shoulder ito. Feeling niya hindi niya bagay ang damit dahil napakaganda nito. "Oh, my God. You look so great," puri ni Kelly sa kaniya. "Come I will curl a bit, your hair to make you look seductive. I know, James gonna like you " anito na tila desididong ireto siya sa kaibigan nito. Saka siya pinaupo sa upuan sa harap ng salamin at nagsimula itong ayusin ang buhok niya. Ngiting-ngiti ito. Nang matapos ay mas lalong humanga sa ganda niya. Panay ang puri nito kahit nasa sasakyan na sila nito patungo sa lugar kung saan nito napiling pagtagpuin sila ng ipapakilala nitong lalaki sa kaniya. Kabado siya dahil sabi nito ay katulad niyang purong Amerikano. Baka kasi maubusan siya ng baong English. "Relax, James is a nice guy. He's a gentleman," pangkakalma sa kaniya ni Kelly. Tipid siyang ngumiti rito. Alam niya namang hindi siya ipapahamak nito. Nang makarating sila sa lugar ay agad siyang siyang napalunok. Isang bar ang kinaroroonan niya. Maraming tao at batid niyang puro sosyal ang naroroon. "Come, James is on his way," ani ni Kelly. Alumpihit siyang sumunod rito. "Oh, Dude, ang daming nabago sa Pilipinas. I like Amerika but I love the culture in the Philippines. I love playing basketball sa kanto and I love the girls. Dito masyadong wild pero doon, Dude. Kahit papaano ay may natitira pang virgin," anito na binulong ang huling sinabi nito. Mukhang masayang-masaya nga ang kaibigan sa bakasyon nito sa Pinas hindi maikakaila sa mga ngiti nito. "God, I never forget this lady," anito na tila nasa alapaap pa. "Umuwi ka lang yata upang mang-chicks, Dude," asar dito. Natawa naman ito. "Nope, not in my plan pero last week ko doon I met this lady. Akala ko noong una, gaya siya ng iba na pang-one night stand pero Dude virgin," anito na nakangiti pa rin. Abala siya sa pakikinig ng kuwento ng kaibigang si Joseph nang maagaw ng atensyon sa babaeng papasok. Kilala niya ito hindi siya maaaring magkamali ang kaniyang kapatid. "Is that my sister?" maang na tanong sabay nguso sa entrada. Agad namang bumaling si Joseph at kinumpirma nito ngunit mas naagaw ng atensyon nilang dalawa ang babaeng kasama nito. "Oh, Dude, kilala mo ba ang kasama ng kapatid mo?" turan nito. "May kasama ba?" aniya saka tinignan. Nabigla siya. Tila pamilyar sa kaniya pero ibang-iba ito. Nakitang tila naghahanap ng mauupuan ang mga ito. "Ate," tawag niya rito. Hindi lumingon ito. "Kelly," tawag na sa pangalan nito at doon ay tila naghanap kung saan ang tumawag rito hanggang sa mamataan sila. "Zeus?" maang na turan nito. "Oh, hi Joseph," anito nang makita ang kasama niya. Agad namang tumugon ang kaibigan. "Hello, seem like you have a friend with you. Is she Filipina?" agad na tanong ni Joseph. "Oh, yeah. She is Kathlyn. You can call her Kikay," nakangiting wika ni Kelly. "Kikay!" gulat na gulat na turan ni Zeus. "Kilala mo siya, Dude?" agad na tanong ni Joseph. "Nagtatagalog ka?" sabad naman ni Kikay na tuwang-tuwa dahil may makakausap siya ng Tagalog. Hirap na hirap siyang mag-English. "Yes, I bring her here because I want her to introduce to my friend, James. James want a filipina to be her wife. We don't know it might be Kikay," natatawang wika ni Kelly. "What? You want, Kikay to meet your friend?" maang na turan ulit ni Zeus. "Yes. Why? There's nothing about it? James is a nice man and I think Kikay will be the best fit for him," masayang turan ni Kelly. Nakangiti rin si Kikay lalo na sa nakikitang reaksyon ni Zeus. Feeling niya ang ganda-ganda. Well, maganda naman talaga siya lalo na ngayon. Buti nga nagawa niyang makapag-selfie muna at ipadala sa magulang. Sasabihin ng mga itong artista na siya sa ayos niya. "Kelly," dinig na tawag ng baritonong tinig. Pagbaling nila sa pinanggalingan noon ay nakita ang matangkad, matipuno at guwapong Amerikano. Halos mapanganga si Kikay sa lalaking ipapakilala sa kaniya. Lihim na kinilig sabay baling kay Zeus. Nakatingin din pala sa kaniya ang loko at hindi niya alam kung bakit tila inis ang nakikita sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD