Chapter 11:

1768 Words
Kapwa napatigil sila Zeus at Kikay. Hindi inaasahan ng huli na hahalikan siya nito bilang parusa sa kaniyang pang-aasar. Kung alam lang niya ay dapat noon pa niya ginawa. Tamis kayang humalik ang gago. Pilyang naglalaro sa isip. "What that?" tinig buhat sa likuran nila. Kapwa sila napalayo sa isa't isa. "Oh, my God. Sunog na ang omelet!" tili ni Kikay. Saka mabilis na hinawakan ang kawali. Pairap na humarap kay Zeus saka nilagay ang nasunog na omelet sa pinggan nito. "Tapos na po ang iyong special omelet mo kamahalan," aniya rito. "You have to eat that son, if you don't disturb her. She will make it perfect," tawang wika ng ina na isa pang nang-aasar. Saka bumaling pa ito kay Kikay. "Do my son is a good kisser, Kikay?" dinig na turan ng ina na halos magpanganga sa kanila. "Yes, Ma'am ay este ano pong tanong ninyo Ma'am?" gulat na wika ni Kikay. Mas lalo pang tumawa ang Mama ni Zeus. "Sabi ko, hija. Next time kapag hinalikan ka nitong si Zeus. Aba! Dapat mag-demand ka na. Hindi pwedeng hahalikan ka lang eh, wala naman kayong label," anito. Napakunot-noo si Kikay. Agad na lumapit sa Mama ni Zeus. "Ano pong level, Ma'am. Level one, level two. Ganoon ba?" inosenteng wika. Hindi tuloy alam ni Zeus kung matatawa o maiinis sa pinagbubulungan ng kaniyang ina at ni Kikay. Natawa ang Mama ni Zeus sa kainosentihan ni Kikay. Pero mas mabuti na ito ang mapangasawa ng anak kaysa sa mga babaeng ang aarte at daig pa ng reyna kung makapag-demand sa anak. "Level ten, para todo na. sagad na natin," pilyang tugon niya kay Kikay. Agad naman itong nag-thumbs up. Nang mainis ay umalis na lamang siya mukhang pinagkakaisahan na naman siya ng kaniyang ina at ni Kikay. Mukhang masyado nang napapalapit ang babae sa kaniyang magulang. Nainis siya dahil vibes na vibes na sila ng ina. Ang tahimin nilang bahay ay umingay na mula ng dumating ito. Pagbalik sa sala ay naroroon ang ama at busy sa panunood ng balita. Umupo siya sa sofa at nakipanood din. "Oh, how was your sleep? You seems you are in bad mood?" puna ng ama. "Nothing, Dad," aniya saka humiga. Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito. "Don't tell me you're jealous?" natatawa pang wika nito. "Jealous? To who?" gulat na turan. "Oh don't deny it, my Son. I know you very well, you might not grow up with me but as a man I know what's inside. You're jealous to-" anito saka tila nag-isip. "Who is that guy? Wait let me think his name," anito saka nag-isip. "Oh, yeah-that guy name Segundo?" hindi siguradong wika. "Who?" maang na wika. Mas lalong tumawa ang ama. "I like, Kikay. I think—" agad na pinutol ang sinasabi ng ama. "Dad?!" Mas lalo pang tumawa. "Okay, it's up to you but I'm telling you right now. If ever you have a feeling for her, make moves. I think she likes you too. She's witty and bubbly. I like her for you," hayagang wika nito. Kahit papaano ay napangiti siya. Batid niyang walang tutol sa kanila. Hindi na siya kumibo at nahiga lamang ng maya-maya ay bulabugin siya ng pagtawag sa kaniyang cellphone. Napakunot-noo ng makitang si Xian iyon. Agad siyang na-excite sa tawag nito. Agad na napaupo at sinagot ang tawag nito. "Hello, Xian?" "Yes, Dude. Kumusta naman ang pinakamamahal kong kaibigan," masayang bati nito. Tumawa na rin siya ng bahagya. "Anong balita? You seems so happy?" aniya ng makabawi. Tumigil naman ito sa pagtawa saka naging seryoso. "Are you okay, Dude? Para kang namatayan sa tinig mo ah. Is there something wrong?" alalang tinig nito. "Wala, there 's nothing wrong. I'll be okay soon," aniya. Napatigil ang kausap sa kabilang linya. "Magsabi ka nga ng totoo, Dude. May sakit ka ba?" tinig na tila nag-i-interogate. "Wala, Dude! So, bakit ka napatawag?" tanong rito. Muling bumalik ang sigla nito sa kabilang linya. "I have good news," masayang wika nito. "Is Joe called you already?" tanong nito. "Hindi pa." "Baka busy," ani ni Xian sa kabilang linya. "What's the good news?" Excited malaman kung ano ang good news na sinasabi nito. "Joe is getting married," gagad ni Xian. "How did you know?" "Well, hindi pa niya sinasabi sa akin pero ramdam kong mayroon siyang nais kaya desidido siyang pauwiin tayo. Kaya naisip kong baka ikakasal na siya," aniya rito. "What?!" medyo mataas na wika. Nabigla pa ang Mama niya at si Kikay na may dalang mga tray papalapag sa center table nila. Nakita ang mga pagkaing naroroon at coffee. Natakam siya lalo pa at gutom ngunit mas masaya siyang malaman na ikakasal na ang matalik na kaibigang si Joe. "Sino namang magsuwerteng babae ang nakabingwit sa mailap na puso ng ating bestfriend?" tanong niya kay Xian. "I didn't meet her yet. Are you coming for their engagement?" anong ni Xian ng ilapag ni Kikay ang kape niya sa kaniyang harapan at umupo sa tapat niya. "Hello, naririyan ka pa ba, Dude?" "Yeah, nandito pa ako. I will see if makakauwi ako," saad. "Better make way, Dude. Magtatampo sa'yo iyon kapag hindi ka nakarating sa engagement niya. Parang kailan lang eh, heart broken. Piniling umuwi ng Pampanga tapos heto enggage to be married na ang ating mahal na kaibigan," masayang saad nito. "Okay, Dude. Salamat," aniya. Saka may naulinigan siyang tinig ng babae sa background nito. Kaya batid niyang busy na ang kaibigan. "I'll try, Dude just inform me when," aniya saka nagpaalam na rito. "Is that Xian?" agad na tanong ng ina. "Anong sabi?" "Joe is getting engage?" turan niya. "Talaga? Wow! That's a good news, I think Joe really find someone to be with huh," ani ng ina na tila inaasar pa siya. "You better find somebody too," ani ng ama. "Pupunta lang po ako sa silid ko," paalam sa mga ito. "Wait!" sabad naman ni Kikay. Nagkatinginan sila saka nahihiyang binitawan ni Kikay ang lalaki. "Ang kape mo baka lumamig," turan ng makabawi. Akala niya kung bakit siya pinigilan nito iyon pala iniisip lang nito ang kape. "Busog pa ako," malungkot niyang wika. "Wehh! Busog daw? Gutom ka kaya, kaya kumain ka muna," saad saka hinila paupo ulit ang lalaki. "Alam mo kailangan mong kumain kasi iinom ka pa ng gamot mo," paalala rito. Nakangisi ang magulang niya lalo na ng napaupo siyang muli ni Kikay. Mukhang nakahanap siya ng katapat. Ang kulit ni Kikay. Kinabukasan ay ang kaibigang si Joe naman ang gumambala sa kaniya. Tunog ng kaniyang cellphone ang gumising sa inaantok pang kamalayan. "Six in the morning?" gilalas niya saka inabot ang cellphone. Nang makita ang pangalan ni Joe ay alam na niya ang pakay nito. "Hey, man, what keep you too long to take my call?" tanong nito. "Sorry, man.I just wake up," aniya. "Ops! Sorry, yeah it's too early over there. Sorry if I disturb you, man. I'm just so excited." "Yeah, you sounds too happy. Is it because your settling down?" aniya. "Oh, mukhang alam mo na—" "Well, Xian was too excited the fact na mas nauna pang magbalita kaysa sa'yo," turan niya. Tumawa si Joe sa kabilang linya. "Well, Xian was so busy but knowing him, he make ways. Are you coming on my engagement day?" tanong nito. Hindi tuloy siya nakasagot. Tumayo siya at binukas ang kaniyang kurtina at tumanaw mula roon. "I don't know yet Dude but I will try," wika. "Nasabi nga pala ni Tita ang kalagayan mo. Is it serious? Man, babae lang iyan," anito. Napagdaanan din nito ang kaniyang pinagdadaanan dahil kaya nga ito bumalik ng Pampanga para makalimutan ang babaeng nanloko rito. Pero heto ngayon at malapit nang patali. "Ganyan din ako noon kay Natalie, 'di ba? Pero look at me now, I'm getting married. For sure makakahanap ka ng babaeng mas maganda, mas mabait, mas masarap-" putol nito. "Kasama," dagdag pa nito saka natawa. Napatawa siya nang makita sila Kikay at ang kaniyang Mama. 'Mas maganda,' ulit sa isipan sa sinabi ni Joe. Well, maganda naman talaga si Kikay. Kahit hindi ito marunong tumingin sa salamin batid niya natural ang ganda nito. 'Mas mabait,' well mabait din naman ito super nga lang kakulitan. 'Masarap kasama,' aniya sa isipan saka siya napangiti. Well, masarap nga itong kasama. "Hey, Zeus! Naririyan ka pa ba?" untag ng kausap. "Oo, nandirito pa naman ako," agad na sabad. "Aasahan kong makakauwi ka. Kung kinakailangan, I will buy you a ticket I will do it," desididong saad nito. "Babe, do you like this dress?" tinig na narinig sa kabilang linya. Mukhang kasama nito ang babaeng bumihag sa mailap na puso ng kaibigan. "Ops! Sorry, are you talking to your phone?" dagdag pa nito. Napakunot-noo siya. Sweet ang timbre ng boses pero tila naririnig niya ang boses ni Kikay. Napangiti muli siya sa sarili. Pati boses ng ibang babae ay si Kikay na ang naiisip. "Sorry, man, that's Althea my fiancée. I have to go dahil tiyak hindi ako titigilan nito. Bye bro, aasahan kita," mabilis na paalam nito saka nawala. Pagbaba ng cellphone ay agad na sumilip sa labas. Wala na roon ang dalawang babaeng tinitignan nang maya-maya ay bumukas ang pintuhan niya. "Ay, kalabaw!" gulat na bulalas ni Kikay. "Grabe, natakot ako doon." "What are you doing here?" agad na tanong. Mabilis itong tumalikod. "Your mom ask me to wake you up," anito. "Bakit ka ba nakatalikod?" maang na tanong dito. "Kasi Sir, hmmmm Zeus pala." "Humarap ka nga?!" aniya rito. 'Lord ang laki! Susme Lord,' usal na dalangin niya. 'Kikay harap daw baka kasi 'di mo mapigilan ang sarili mo kapag humarap ka sa kaniya,' bulong pa sa sarili niya. "Sabi ko humarap ka," ani ni Zeus. Pagharap ni Kikay ay nakatakip ang mata nito. "Bakit nakatakip ang mata mo?" sabay tingin sa katawan. Naalala nga palang brief lang suot niya. Agad siyang napahablos sa roba niya. Mabilis na tinapos iyon. "Now you can open your eyes." Pagdilat ng mata ni Kikay ay napangisi siya. "Bakit ka nakangisi," gagad sa babae. "Wala lang," nakakalokong wika saka ngumiti. "Bumaba ka na raw at mag-almusal para makainom ka ng gamot," turan saka nagpaalam. Pagkalabas ng pintuhan ng silid nito ay napangiti siya. "Pag sinuswerte nga naman," aniya na hindi namalayang sumunod pala ang lalaki sa kaniya. "Anong swerte?" "Ay, swerte! Grabe siya, kanina ka pa nanggugulat!" inis na baling ni Kikay. "I'm calling you, pero mukhang wala kang narinig. Pakisabi kay Mama sa may pool siya mag-set ng breakfast," anito. "Masusunod kamahalan," aniya saka nakangiting umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD