Hindi malaman ni Zeus kung matatawa ba o maiinis sa pang-iinis sa kaniya ni Kikay. Tila kasi tawang-tawa pa ito sa kapalpakan at kabobohang nagawa. Maging gayun man ay hindi naikakailang napakaganda pa rin ng babae kahit wala na itong ka-poise-poise sa ginagawa nitong paghalakhak.
Napatigil si Kikay nang makitang hindi natatawa ang lalaki bagkus ay halos sumadsad na sa sahig ang panga nito at hindi maipinta ang mukha nito. Bigla ay natigilan siya dahil mukhang sumama na naman ang timpla nito.
"Okay, wait there and I will go there," aniya turo sa direksyon ng silid niya. "Kukunin ko lang iyong iPad," nahihiyang paalam sa lalaki.
Hindi pa man ito nakakasagot ay patakbo na siyang pumunta sa silid niya. Saka doon muling napahagalpak sa tawa. Hindi niya talaga maiwasang matawa lalo na kapag naaalalang kahit papaano ay napapapatawa na ang lalaki. "Sabi ko na nga ba? Mas guwapo ang mokong na iyon kapag nakangiti," aniya sa sarili saka tila kinikilig habang hinahanap kung saan niya nalapag ang iPad niya.
Nakailang ikot na siya sa loob ng silid ay hindi niya mahanap kung saan nalagay ang bagay na iyon hanggang sa maalalang baka natatabunan pa ito ng kumot niya. Mabilis siyang nag-dive sa kama.
Iyon ang eksenang nabungaran ni Zeus. Hindi na siya makapaghintay sa pinag-iwanan sa kaniya ng babae. Magkakalahating oras na kasi ay hindi pa rin ito bumabalik kaya naisipan niyang puntahan na ito. Pakatok na siya sa silid nito ng marinig niya ang malakas na pagtili buhat sa loob.
Kaya mabilis niyang pinihit ang seradora ng pintuhan at ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang wala naman palang masamang nangyari dito.
"What the hell are you doing?" banas na wika. Natakot pa naman siya sa biglaan nitong pagsigaw tapos malalamang naglalaro lang yata ang babae at nagawa pang mag-dive sa kama nito.
"Ayyyyyy!" malakas muling tili ni Kikay nang marinig ang tinig buhat sa kaniyang pinto. Doon ay nakita ang galit na mukha ng lalaki.
Nang makabawi ay agad na tumayo at pumangaywang. "What the hell are you doing here too!" panggagaya niya sa tono nito.
Halos magsalubong muli ang kilay ni Zeus sa ginawang pagsagot ni Kikay sa kaniya. Mukhang mauubusan siya ng dugo kapag ito ang kasama niya araw-araw.
"What the heck your doing? You keep me waiting for almost half an hour. Jeeeezzz!" angal ni Zeus.
"What the heck are you? You didn't wait for like an hour, duh,"maarte pang turan ni Kikay sa kaniya.
Sa narinig buhat sa babae ay hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis itong sinugod sa kamang kinaroroonan.
'Oh my god. The tiger is grawling Kikay. You're dead!' aniya sa isip nang makitang papasugod na sa kaniya ang lalaking galit na galit.
Mabilis siya nitong dinakma ngunit nagpumiglas siya. Sa kapupumiglas niya. Imbes na siya ang mahila nito ay ang lalaki ang nawalan ng balanse at ganoon na lamang ang gulat nilang dalawa ng bumagsak ito sa kaniyang ibabaw.
Kapwa walang nakakilos sa kanilang dalawa at tila nagkakahiyaan pa kung sino ang unang gagalaw.
Ilang lunok ang ginawa ni Zeus upang payapain ang nagwawalang damdamin. Masyadong kakaiba ang pinapadamang pakiramdam sa kaniya si Kikay kaya bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisisihan niya ay mabilis na siyang umalis sa ibabaw ng babae.
"Sayang naman," usal ni Kikay.
"What?!" gagad ni Zeus.
"Sabi ko, aray! Ang sakit noon ah?! Bakit ka ba kasi sumunod rito? Kasalanan mo ito," pang-iiba ni Kikay sa usapan nila.
"Anong ako? Ikaw nga diyan eh, ikaw na tutulungan ikaw pa ang bagal kumilos. Naghihintay ako roon tapos naririto ka lang naglalaro sa kama mo!" giit niyang turan.
Agad na napakunot-noo si Kikay. 'Naglalaro,' nakakunot-noo na ulit sa isipan sa sinabi ng lalaki. "Hoy, Mister! Una sa una hindi ako naglalaro at saka masyado akong matanda para maglaro pa. Pangalawa, natagalan ako kasi nahirapan akong hanapin itong iPad. Pangatlo, iti-ito na ang ipad ko!" aniya saka ngumisi. "Pwedeng pagawa na ako ng Sky," pa-cute sa lalaki.
"Skype, not sky!"
"Ganoon din iyon? Sky with Pe!" giit ni Kikay.
Agad namang kinuha ni Zeus ang inaabot sa kaniya ni Kikay. Nakita niyang nagawa na nitong ilagay ang picture nito bilang wallpaper. Napangiti pa siya nang makita ang larawang nasa harapan.
Nagtataka si Kikay kung bakit tila natitigilan ang lalaki matapos nitong kunin ang kaniyang iPad at doon ay naalala ang kaniyang larawan. Larawan niya iyon noong high school siya. Suot pa niya noon ang school uniform nila nang magkatuwaan ang barkada nilang magpa-picture sa isang studio sa kalapit na mall.
"Ganda ko noh!" basag na tinig ni Kikay sa kaniya. Doon ay hindi na napigilang mapatawa si Zeus sa sinabing iyon ng babae. Well, she's pretty pero kaya siya napatigil ay idol yata kasi nito si Jolina Magdangal sa dami ng nakasabit sa buhok nito.
Nang mapansin ni Kikay ang pagtawa ng lalaki sa sinabi niya ay hindi niya naiwasang mapangiti. 'Sana lagi ka na lang nakatawa,' bulong sa sarili.
Matapos ng ilang sandali ay binigay na nito ang kaniyang iPad.
"Do you have email address?" seryosong tanong ng lalaki.
"Email address?" aniya saka naalala ang address nila sa kanilang bayan. Iyon naman ang address nila na sinusulat kapag may sulat na dumarating sa kanila.
"Yes. Email address," ani ng kausap.
"Ah, okay. Meron kaya lang medyo mahaba eh," sagot sa lalaki.
"It's okay, I will try. What is it!" seryoso pa ring tinig ni Zeus.
"Number 124344, Baranggay Tres Marias Cag-" putol na talak ni Kikay nang naiiritang tingin ang binigay ng lalaki sa kaniya.
"I said, e-mail address not mailing address," pagdidiin pa niya sa salitang e-mail.
Nangingiti na lamang si Kikay sa kaengutan niya. Malay ba kasi niya sa email-email na sinasabi nito. "Sorry na. Wala pala ako niyan eh," nahihiyang wika sa lalaki.
Walang nagawa si Zeus kundi gawan na lamang ng email account ang babae. Napangiti siya sa ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Mabilis na gumawa ng email address. ZeusGuwapo@y*******m iyon ang ginawa niya para sa babae. Saka mabilis na binalik sa babae ang iPad nito.
"It's done!" aniya saka umalis na sa silid nito.
Nagtataka man ay agad na lamang pinagkibit balikat ni Kikay sa mabilisang pag-alis ng lalaki. Mabilis na tinignan ang binalik nitong iPad at ganoon na lamang ang gulat niya ng makitang ang ginawa nitong account. 'Zeus guwapo daw?' aniya sa isipan. Papatayin na sana iyon ang biglang may natanggap siyang mensahe.
"Hi! How r u?" basa sa mensaheng natanggap. Napakunot-noo siya. Parang text lang pala. Kaya mabilis siyang nag-reply.
Ho r u? X send ka!
Halos mapahagalpak sa tawa si Zeus habang binabasa ang reply ni Kikay sa mensahe niya. Kaya naisipan niya pang inisin ito.
No I'm not, I'm really talking to you. I know how beautiful u r...
Napasinghap si Kikay ng mabasa ang muling mensaheng sinabi nito. 'Paano nalaman nitong maganda ako? Kilala kaya niya ako?' naisip pa niya.
How did u know dat I'm beautiful? Did u c me b4?
Pigil ang tawa ni Zeus na nasa labas lamang ng silid ni Kikay.
"I'm just joking, did I say that your beautiful. Oh, I'm sorry," basang muli sa huling mensahe na natanggap. "What?! Ang mokong na ito. Hoy! Gago! Kung wala kang magawa pwede ba 'wag ako! Huwag ako!" gigil na bulalas ni Kikay saka inis na binaba ang iPad niya.
Malakas ang ginawang pagtawa ni Zeus sa narinig buhat sa loob na halos sapo na niya ang tiyan sa sobrang tawa nang biglang marinig ang tinig ng ina.
"What's so funny?" tila sitang tono ng ina.
Agad na napatayo ng tuwid si Zeus at napatigil sa pagtawa. "Nothing Ma', goodnight!" aniya rito saka humalik at umalis na roon.
Kinabukasan matapos inumin ang mga gamot niya ay agad na bumalik sa pagtulog si Zeus. Ngunit naalimpungatan siya ng tila ingay sa kung saan kaya mabilis siyang bumangon. Matapos mag-imis ay agad na bumaba at nasumpungan sa sala ang buong pamilya. Naroroon ang mga ito at nasa harap silang lahat ng iPad ni Kikay.
Napakunot-noo siya kaya pasimpleng nakiusyuso sa pinagkakaguluhan ng mga ito. At nakita sa screen ang tila isang buong baranggay na lahat ay gustong kausapin si Kikay.
"Hijo, halika!" yakag ng ina niya ng mapansin siya nito. "Meet, Kikay parent at ang kaniyang kapitbahay," tuwang-tuwang wika ng ina.
"Hello! Hello! Hi!" hindi maampat na wika ng matandang babaeng nasa screen.
Ngumiti siya at kumaway lamang rito.
"How are you? You are so handsome. You son of my Kikay boss," pilit na English ng matanda sa kaniya.
"Nay! Nay! Don't push push your English. No worries, nagtatalog po siya. Magtagalog ka na bago pa bumaliktad ang dila mo," salag ni Kikay sa ina nito.
Tumawa naman ang matanda na tila naginhawaan. "Ay mabuti naman at nagtatalog siya anak hindi ka mahihirapan. Anak, gusto ka raw makausap si Segundo. Nandirito at gusto ka raw makita," ani ng ina.
Maya-maya ay tumapat naman ang webcam sa mukha ni Segundo.
"Honey my lab Kikay, musta ka na diyan? Miss na miss na kita,"ratsada nito.
Napakunot ang noo ni Zeus nang makita ang lalaking nasa screen. Agad nitong naisip na boyfriend ito ng babae.
"Hoy, Segundo. Magtigil-tigil ka diyan. Anong honey my lab ka diyan? Lasing ka na naman. Ayus-ayusin mo ang buhay mo paano kita sasagutin niyan?" natatawang biro ni Kikay na kinatigil ni Zeus.
"Maghihintay ako, Kikay. No worries, I will take care of Mom and Dad," pa-English din nito.
"Hanep! 'Di ko knows magaling ka rin palang mag-English kapag nalalasing ka, Segundo. Ibalik mo na iyan kay Mara bago pa kita mahambalos. Itulog mo na iyan. Nakakabadtrip kang tignan!" natatawang wika sa lalaki.
"Labyo, Kikay!" hirit pa ni Segundo.
"Oh, labyo daw sabi ng boyfriend mo!" inis na wika ni Zeus kay Kikay.
"Excuse me hindi ko siya boyfriend," sabad kay Zeus.
"Sus! Hindi daw!" hirit pa.
"Teka lang! Bakit ka ba badtrip diyan?!" Irap sa lalaki.
Gumanti rin si Zeus ng irap kay Kikay.
"You're family was so funny. No wonder you're bubbly and funny too," saad ng Papa ni Zeus na bumasag sa tumitindi nilang irapan ng lalaki.
"I'm hungry. Kikay, cook me some omelet!" Utos niya sa babae upang patayin na nito ang iPad nito kung ang Segundo na iyon ang kakausapin lang nito.
Hindi malaman ni Zeus kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba ng malamang may Segundo palang naghihintay kay Kikay sa pag-uwi nito.
Naiinis man ay mabilis niyang tinungo ang kusina at pinagluto ang lalaki. Hindi niya alam na sumunod pala ito sa kaniya.
"Sino si Segundo?" tanong niya.
Halos mapatalon si Kikay sa kabiglaan ng may magsalita sa kaniyang likuran.
"Gosh! P-papatayin mo ba ako sa takot! Bakit ka nambibigla?!" sikmat nito sa kaniya.
"I'm asking you? Sino si Segundo?" ulit na taning ni Zeus.
"Tao? Lalaki? Hmmmm, kababata ko?" sagot niya na mas lalong kinainis ng lalaking kausap.
"Are you kidding me?" taas na ng boses ni Zeus.
"Wait? Are you jealous?" tanong ni Kikay na todo ngiti sa naglalaro sa isipan.
"Jealous? I'm not!"
Tumawa ng malakas si Kikay saka muling tinudyo ang lalaki. "Oy, nagseselos siya! Aminin mo na, crush mo ako noh!" Kumpiyansang wika ni Kikay. Kasabay ng isang nakakalokong ngisi sa labi. "Oy!Nagseselos siya!"
'Nagseselos nga ba ako?' natanong ni Zeus ang sarili hanggang sa nasumpungan ang kasagutan ng makitang hindi pa rin tumitigil si Kikay sa pang-aasar sa kaniya kaya mabilis niya itong hinila papalapit saka ginawaran ng halik.