Matapos ang titigan nila ay isang nakakamatay na irap ang binigay sa lalaki. 'Makakabawi rin ako sa'yo,' ngitngit ng kalooban ni Kikay.
Napansin ni Zeus na tila nanamlay ang babaeng katabi habang kinakagat ang ginawa nitong sandwich. Nanibago tuloy siya kaya mabilis niya itong tinabig sa paa at hindi namalayang napalakas yata ang ginawang pagsanggi sa paa nito dahilan upang balikan siya nito ng sipa rin at irap na nakakamatay. Wala na siyang nagawa kundi ang ngitian ito ng nakakaloko.
Kikay was amazing. Hindi maikakailang dahil dito ay nagagawa na niyang ngumiti kahit papaano. Sa pagdating nito sa bahay nila kahit medyo palpak ito minsan ay nakita niya ang pagbabago roon. Naging mas masaya at maingay.
Hindi maiwasang malungkot ni Kikay habang kinakain ang sandwich niya. Naalala niya kasi ang magulang niya na kahit almusal pa lang ay umaabot na hanggang kanto ang boses ng ina ay masaya siya. 'Kumusta na kaya sila ni itay?' aniya sa sarili. 'Mahilig pa rin kayang magsabong si Itay. Si Inay kaya? Baka hindi na umuuwi ito at puro bingo at madyong na lang ang inaatupag nito,' dagdag pa.
Sa alalahaning iyon ay hindi niya na namalayang napabilis na ang pagkagat sa sandwich niya dahilan upang halos mabilaukan siya.
"Hinay-hinay lang hija," awat ng Mama ni Zeus.
Mabilis na dinaluhan ni Zeus si Kikay. Hinagid nito ang likod at iniabot ang baso ng tubig.
'Gaga ka talaga Kikay. Muntik ka nang maimpatso!' dagok sa sarili.
"Are you okay?" nag-aalalang tinig ni Zeus na nasa tabi na pala.
"Ahmmmmm, yeah. Duh? I'm fine!" English niya rito upang maikubli ang pagkapahiya rito.
"Wow! English iyon ah?" banat nito sa kaniya.
Muli niyang inirapan ang lalaki.
Napansin yata ng ginang ang kaniyang pananamlay kaya mabilis din siya nitong tinanong.
"Hija? May dinaramdam ka ba? Medyo matamlay ka kasi?" ani ng ginang sa kaniya.
"Wala po, Ma'am. Na-miss ko lang po ang magulang ko," tugon rito.
Mukhang naunawaan lahat ng naroroon ang kaniyang sinabi.
"'Di ba may binigay kaming iPad sa'yo? Mamaya ay magpatulong ka dito kay Zeus. Doon ay makakausap mo ang pamilya sa Skype. Para makita mo rin sila. Ngayon kahit malayo ka ay kayang-kaya mo na silang makita. Marunong bang gumamit ng komputer ang mga magulang mo?" tanong ng mga ito.
Doon ay nanlumo siya. Umiling siya bilang tugon.
"May kakilala ka bang malapit sa magulang mo na alam mag-computer?" muling tanong ng ginang.
Doon ay napaisip siya at naaalala ang bunsong anak ni Aling Goring na si Mara. Kaya doon ay napangiti na siya at nagkaroon ng pag-asa. "Meron po," agad na tugon niya.
"Iyon naman pala eh. No worry, hija. Sa teknolohiya ngayon mabilis na ang solusyon sa nais mo," anang pa nito saka bumaling kay Zeus at sinabihang tulungan siya nito kung paano gumamit noon. Hindi kasi siya marunong doon dahil mas marami pang oras niyang ginugugol sa peryahan kaysa sa computer na iyan. Wala rin siyang high tech noon na cellphone kaya hindi talaga siya natuto.
Hindi pa man sila natatapos kumain ay agad na nagyaya ang pamangkin ni Zeus na si Jacob.
"Uncle can we play?" anito lambing sa lalaki.
"No!" agad at mariin na sagot ng lalaki.
"Please?" sumamo ng bata.
Napamata lahat ng naroroon kay Zeus kaya hindi na siya nakatanggi pa sa pamangkin.
"Okay? What you want to play?" walang interest na saad dito.
"As usual, you know it, Uncle," anito.
"No!"
"Please! P-please!"
"I said no!" giit ng lalaki.
"Enough, Zeus. He just wanted you to play with him. Why don't you just do it," tila napapatid na pagtitimpi ng Papa ni Zeus.
"How could, 'Pa. He wants to play the thing that we usually do it before when-when-" putol saka tumingin sa pamangkin na nagmamaktol. "No I can't!" naiinis na ring wika ng lalaki.
"Zeus, that's enough! Okay? Alexis is gone, so please. M-move on. Enough acting like a child. You're old enough, na isiping hindi worthy si Alexis para sa'yo," agad na wika ng kaniyang ina.
Napatingin si Zeus sa kaniyang Mama. For the longest time ay ngayon niya lang narinig na nagsalita ito ng ganoon mula nang maghiwalay sila ni Alexis.
"Play with your nephew. No need for Alexis, Kikay is much available," ani ng ina niya.
Agad siyang napabaling ng tingin sa babae at nakita ang nakakalokong ngiti nito.
'Akalain mo nga naman. Makakabawi rin agad ako sa mokong na ito. Sige po, Ma'am, push mo pa konti at muli kaming ikakasal ng mokong na ito sa aming paring makulit pa sa bubwet!' bunyi ni Kikay nang walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang nais ng bata.
"Papapaapampampampampampampapapapampamapam!" anang ng bata na hudyat na kailangan na nilang magmartyang dalawa patungo rito.
Mabilis na kinalawit ni Kikay ang kamay sa braso ni Zeus. Naramdaman niyang ayaw maglakad ng lalaki papalapit sa pamangkin nito dahilan upang hilain ito.
"Maglakad ka o hihilain kita?" bantang-bulong rito.
"Don't tell me what to do!" inis na wika ng lalaki.
"I am telling you what you gonna do. It's our wedding, so follow me!"barok-barok niyang English sa lalaki.
Pilit man ay sumunod na rin ang lalaki sa kaniya. Nangingiti na lamang si Kikay. Nang makarating sila sa harap ng bata ay nagmuwestra pa ito na magsisimula na ang seremonyas. Hanggang sa malakas nitong sabing 'may you kiss the bride'.
Expected na ni Kikay na iyon ang isusunod ng batang sasabihin kaya napangiti siya. Mabilis siyang pumikit at inihanda ang pisngi sa pagdampi ng labi ng lalaki ngunit wala siyang nahintay.
"You may kiss the bride," ulit ng bata.
Muli siyang naghintay ngunit ng wala pa rin ay mabilis niyang siniko ang lalaki.
"Aray!" angal nito sa kaniyang ginawa. "Bakit ka naniniko!" inis na bulong sa kaniya ng lalaki.
"Ngawit na ang pisngi ko sa kahihintay ng kiss the bride na iyan? Bakit hindi mo pa gawin para matapos na tayo, 'di ba? Iyon naman ang gusto mo ang matapos na ito. Kiss lang naman sa pisngi. Bilis!" talak sa lalaking napakaarte.
Ilang segundo pa ang lumipas ngunit wala pa ring labing dumadampi sa pisngit kaya binalingan na talaga niya ang lalaki at ganoon na lamang ang gulat niya ng pagbaling siya rito ay siyang dapo ng labi nito sa labi niya na dapat ay sa pisngi sana.
Sa kabiglaan ay naglapat ang kanilang mga labi. Kapwa sila natigilan sa halikang iyon at iyon ang eksenang nabungaran ng apat na taong papalabas mula sa komedor.
"Ahheeemmmm!" mahabang tikhim na nagpalayo kila Kikay at Zeus.
Pareho silang lumingon sa pinanggalingan noon at nakita nilang naroroon ang magulang nito. Ang kapatid at ang Tita nito. Kapwa nakangiti ang mga ito na tila ba natutuwa pa sa nakita.
"Okay. It's done. Uncle will be busy!" agaw ni Zeus matapos makabawi sa pagkabigla. Agad siyang pumanhik patungo sa silid niya. He want space for himself dahil iba na ang nararamdaman niya sa presensiya ni Kikay. Ayaw niyang muling masaktan kapag nagkataon.
Agad namang nagpaalam si Kikay na tutulungan si Aling Magda sa kusina upang makaiwas sa mga panunudyo ng mga ito lalo na ang Mama ni Zeus.
Habang papasok sa kusina ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa hindi sinasadyang pagdampi ng kanilang labi ni Zeus. Masayang-masaya siya at tila napawi ang pangungulila sa kaniyang mga magulang.
"Hoy, Kikay!" bulaga ni Aling Magda sa kaniya.
"Ay anak ng kabayong buntis!" hiyaw sa gulat niya. "Manang Magda naman bakit naman kayo nanggugulat?" sita rito.
"Naku, Kikay! Hindi kita ginulat. Ginising lang kita, mukha ka kasing nananaginip na dilat ang iyong mga mata. Para kang baliw na ngumingiti mag-isa. Teka, umamin ka nga?" ani ng matanda sa kaniya.
Nanlaki ang mata ni Kikay sa sinabi ng matanda. 'Anong aaminin ko, Aing Magda? Na kami na Zeus? Naku, hindi pa pero I feel it! I feel it, malapit na!' kilig na wika sa isipan.
"Umamin ka, Kikay. Lumuluwag na ba ang turnilyo ng utak mo?" anito.
Doon ay napatawa siya ng malakas sa sinabi ng matanda dahilan upang mas lalo itong maghinalang nababaliw na siya. Hindi maampat ang pagtawa ni Kikay sa sinabi ng matanda.
"Si Manang talaga, palabiro. Hindi po ako baliw Manang. I'm just in love," feel na feel na saad sa salitang in love.
"In love? Kanino?" taas-kilay nito. "Doon tell me pinagnanasahan mo si Sir Zeus?" Nakakaintrigang wika nito.
Muli siyang tumawa sa birada ng matanda. "Manang, your getting chismosa na!" eksaheradang wika gamit ang maarteng tono ni Kris Aquino. "May tama ka."
"Well, kung ganda ang pag-uusapan ay hindi ka naman papahuli kay Alexis. Kung ugali naman ay malayong magkaiba kayo. Seryoso si Alexis samantalang ikaw naman ay kalog. Mas mabait ka pa!" anito.
Sa narinig buhat sa matanda ay tila humaba ng ilang pulgada ang kaniyang buhok sa papuring wika ng matanda. Mas lalo tuloy siyang na-curious kung ano ang hitsura ng Alexis na iyon at halos ikamatay ng Zeus na iyon ang pag-iwan nito rito.
Doon ay sumeryoso si Kikay. "Manang, maganda ba talaga si Alexis?" alanganing tanong.
"Oo, pero kung ako ang titingin ay mas maganda ka. Maganda lang iyon kasi mayaman at may make up. Ikaw kasi ay natural. Maganda ka kahit wala kang make up," puri nito na kinangiti niya.
"Ay, may naitatabi yata akong picture noon rito," anito dahilan upang mas lalo siyang masabik makita ang hitsura ng babae.
Mabilis namang nahanap ng matanda ang sinasabi nito at nakita nga niya ang sopistikadang babaeng nakasandig sa dibdib ng isang lalaki. Kahit pilas na iyon ay alam niyang si Zeus iyon.
Maganda nga ang babae at wala siyang panama rito. Ngunit naisip niyang maganda nga ito pero tanga naman dahil pinakawalan niya ang isang Zeus Zedrick. Kaya may pag-asa pa siya.
Kinagabihan ay mabilis niyang tinawagan ang kaniyang mga magulang.
Nakailang ring din bago may sumagot.
"Hello! Hello! Hello! Hello! Hello! Hello. Bakit 'di ka sumasagot. Hello!" tila baril na walang tigil ang bunganga ng ina. Paano siya makakasagot kung ito lang nagsasalita. Sa lakas pa ng boses nito ay halos marindi ang tainga niya.
"Hello 'Nay! Daming hello noon ah. Pwede naman kahit isang hello lang!" palatak sa ina.
"Eh, hindi ka naman kasi nagsasalita anak?" giit nito.
"Inay paaano ako magsasalita eh. Walang preno iyang bibig mo," aniya rito. "Kumusta na kayo ni Itay diyan?" tanong rito.
"Hayon, ang aga-aga himas na naman ang mga manok. Buti pa ang manok nahihimas nito pero kapag pinapahimas ko ang mga paa kong nangangalay sa madyongan eh umaangal," tugon ng ina. Wala pa rin palang nagbago sa mga ito.
"Inay, na-mimiss ko na po kayo."
"Kami rin naman anak. Musta ang mga amo mo. Okay ba sila?" tanong nito. Kahit papaano naman ay maalalahanin naman ito sa kaniya.
"Oo, 'Nay. Pakisabi kay Mara magbukas na siya ng-" putol na wika sabay alala sa sinabi ng Mrs. Carlson. Ano ba iyon? Nakalimutan ko na."
"Skype," tinig buhat sa likuran niya. Agad siyang napalingon at nakitang nakatayo roon si Zeus.
"Oo, skype, Inay. Pakisabi na lang kay Mara para makita ko na ang maganda mong mukha," pambobola sa ina.
"Okay, anak. Basta iyong tsokolate ah," paalala pa ng ina saka nagpaalam.
Papanhik na sana si Zeus dahil galing siya sa living room nila ng marinig ang malakas na boses ni Kikay. Unang akala niya ay may kaaway ito iyon pala ay kausap lang ang ina sa cellphone nito. Natatawa siya sa takbo ng pag-uusap ng mga ito ng marinig ang sinasabi nito kaya hindi niya maiwasang hindi sumabad.
Nabigla pa ang babae ng makita siya.
Nang ibaba nito ang cellphone nito ay hindi nila malaman kung sino ang unang magsasalita.
Si Zeus ang unang nagsalita. "Miss mo na ba ang pamilya mo? You can go home if you want?" aniya.
Ngumisi si Kikay. "Yes, miss ko sila pero kaya ko pa naman. Pangarap ko ito kaya gagawin ko ang lahat upang matulungan ko sila Inay at Itay. At pwede ba kung paraan mo ito para itaboy ako. I am so sorry, I will not surrender. I never give up," aniya.
Imbes na mainis si Zeus ay natawa na lamang sa babaeng kausap. Hindi niya alam kung bakit he find it cute sa mali-mali nitong English.
"No worries. I not make you go-go away. You want me now install your skype so that you can see your beautiful Mom?" panggagaya sa tono nito.
Napahalakhak ng malakas si Kikay sa lalaki.
"You're crazy!" aniya rito.
"You too!" sabad namang tugon agad nito.