Halos hindi maampat-ampat ni Kikay ang pag-ubo sa sinasabi ng kaniyang ama. Akalain pa yata nitong higit sa kanilang tatlo ay siya ang pinakanatalino. Kaya nga siya nag-caregiving dahil more on sa hands-on o iyong tinatawag nilang praktikal para hindi na niya kailangang magsunog ng kilay. Tapos ngayon ay handa siyang pag-abogasyahin ng ama. "Papa, umuwi po kami para magsabing ikakasal na po kami," sawata sa ama matapos niyang hamigin ang sarili. "Well, babe, pwede ka pa rin namang mag—" putol ni Zeus nang maramdaman ang bahagyang pagsipa ni Kikay sa kaniyang paa. Pagtingin dito ay kitang matalim ang titig nito dahilan upang hindi na naituloy ang anumang sasabibin. "Hay, naku! Melencio, mukhang wala diyan ang puso ng mga anak mo. Hayaan mo na sila sa gusto nila. Tiyak namang hindi sila p