Wala nang nagawa pa si Kikay dahil dumating na ang ilang truck kung saan halos nandoon na ang kailangan upang masimulan ang pagpapagawa ng bahay nila. Kahit anong irap naman ang gawin kay Zeus ay wala rin naman dahil tila hindi naman na nito pinapansin at nginingitian na lamang siya nito. Katwuwiran nito ay kapag nakasal na sila ay magiging pamilya na rin niya ang mga magulang. Sabagay, siya pa ba ang tatanggi sa grasya. Iyon naman talaga ang una niyang pangako sa mga magulang bago magtungo sa Amerika. Ang patayuan sila ng maayos na bahay, mabigyan ng maginhawang buhay at bonus na lamang kung susuwertehen siya at makuha ang mga ito sa Amerika at mukhang sa punto at tulong ng lalaking mapapangasawa niya ay magagawa naman ang bagay na pinangarap para sa mga ito. Kita ang pagiging abala ng