Maalimpungatan si Kikay nang marinig ang tawanan buhat sa labas ng silid na kinaroroonan. Bigla ay naalalang nasa Pilipinas nga pala. Lulugo-lugo siyang bumangon at ramdam ang pangangalay ng likod buhat sa matigas na papag. Maging yata ang likod ay hindi na sanay sa matigas na papag. Mabilis na sinipat ang suot at mukha sa maliit na salamin nakasabit sa dingding ng silid ng mga magulang. "Hay, ang ganda ko talaga," aniya habang nakatingin sa kaniyang mukha. "Yes, you are," tinig buhat sa kaniyang likuran dahilan para halos mapatalonbjjm. "Anak ka ng diablo!" gilalas sa gulat habang napatalon pa. Paglingon ay nakitang nakapamulsa habang may ngiti sa labi nito. "Anong ginagawa mo rito? Buti at pinayagan nila Inay na pumasok dito?" gilalas na tanong dito. Mas lalo pa itong napangisi sa mg