Chapter 105:

1855 Words

"Bakit nga ba umuwi kayo agad, anak?" untag na tanong naman ng ama. Mukhang nagsawa rin kasi ang ina na awayin ito. "Oo nga, anak? Bakit kayo umuwi nitong lalaking ito kung hindi ka naman buntis?" gagad na sabad ng ina. "Mahal naman, kailangan bang mabuntis muna ang anak natin bago sila umuwi?" salag ng ama rito. Marahil ay napagtantong mali ang birada ng ina kaya hindi na ito umimik pa. Pagkakataon naman para sa kaniya na magsalita. "Inay, Itay, umuwi kami ni Zeus upang sabihing—" "Buntis ka!" sabad ng ina na tila hindi makapaghintay. "Hindi po, Inay. Umuwi kami para sabihing—" "Magpapakasal na kayo?" sabad naman ng ama na kinangiti niya. "Tama," aniya na panggagaya pa ng boses ni Kris Aquino nang bigla siyang batukan ng ina. "Aba! Batang ito! Wala pa yatang isang taon na nakilal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD